Sarah Geronimo throws shade at bashers; Lea Salonga backs up Sarah

IMAGE Noel Orsal

Sarah Geronimo throws shade at her bashers who questioned her choice of candidates for Team Sarah in The Voice Teens. Lea Salonga backs her fellow coach and slams the bashers. 


Nagpamalas ng tapang si Sarah Geronimo sa simpleng pahayag bilang sagot sa kanyang bashers sa episode ng The Voice Teens Philippines ngayong Linggo ng gabi, July 16.

Matatandaang maraming bumatikos sa Popstar Princess noong nakaraang Linggo dahil may mga netizens na di sang-ayon sa mga piniling kandidato ni Sarah para magpatuloy sa live shows ngayong weekend.

Ayon sa bashers ng The Voice Teens coach, pinairal nito ang kanyang emosyon sa pagpili ng tatlong kandidato at hindi base sa talents ng perfomers.

Ang tatlong nagpatuloy sa live rounds mula sa #TeamSarah ay sina Jona Marie Soquite, Nisha Bedana, at Ivan Navares.


Stories We Are Tracking

Lea Salonga defends Sarah Geronimo's <em>The Voice Teens</em> choices
Lea Salonga defends Sarah Geronimo's The Voice Teens choices

Matapos mag-perform ng kanyang contender na si Ivan, simple subalit makahulugang pahayag ni Sarah, “Ivan, pinatunayan mong di ako nagkamali. Sila ang nagkamali.”

LEA SUPPORTS SARAH. Kagaya noong nakaraang Linggo nang ma-bash si Sarah at ipagtanggol ng kapwa coach na si Lea Salonga via Twitter, muling ipinagtanggol ng Broadway Diva si Sarah sa episode ng The Voice Teens ngayong gabi.

Maanghang na patama ni Lea sa mga bashers ng Popstar Princess: “To everyone who has been giving Sarah Geronimo a lot of hate online, here's some salt and pepper. You better start eating your words now. Here's a fork, here's a knife, eat your words now.”

Nagpasalamat si Sarah sa pahayag ni Lea.

Sa huli, sina Nisha at Jona pa rin ang napili mula sa #TeamSarah na magpapatuloy sa susunod na bahagi ng live rounds sa susunod na linggo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN