Christian Bables still searching for right meaning of his 'the one'

IMAGE Noel Orsal

Christian Bables on his sexual preference: "Again, with God as my witness, I really don't... it really doesn't matter to me kung makuwestiyon man o hindi."


Marami ang nagtaka sa naging sagot ni Christian Bables sa tanong na "Paano mo malalaman kung you've finally found someone?" sa grand media launch ng pelikulang Finally Found Someone sa Dolphy Theater, noong July 14.

Ang sagot ng newbie actor ay: "Wala pa po, e. I'm still on search.

"Siguro kapag... ano ba? Siguro hindi ko pa ma-define kung ano ang 'the one' ko.

“Kumbaga, hindi ko pa alam kung kailan at saan, kasi I'm still searching for the right meaning."

Para sa iba, ang ganitong hindi kadirektang sagot ay maaaring magdulot ng ibang impresyon, kung saan baka muling makuwestiyon ang kanyang pagkalalaki.

Lalo na nga't nakilala si Christian dahil sa kanyang role bilang Barbie, isang transgender, sa pelikulang Die Beautiful.

Matapos ng presscon proper, minabuti ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na linawin sa aktor ang kahulugan ng naging sagot niya sa tanong sa kanya.

Nakatawang paglilinaw ni Christian, "Hindi po ganun yun!

"Ang ibig ko pong sabihin dun ay... kasi I just came out from a breakup before yung Die Beautiful.

"A… paano ba? Ako kasi yung tipo ng tao na, I don't play.

"Kumbaga, ako, parang pakasal-level na, yun ang gusto ko. Yun na ang nae-envision ko.

"Kaso ngayon, ano... parang sobrang invested so much of myself dun sa last. Kaya ganun."

May mensahe naman si Christian sa patuloy pa ring nagkukuwestiyon sa kanyang sexual preference.

Saad niya, "Ako... again, with God as my witness, I really don't... it really doesn't matter to me kung makuwestiyon man o hindi.

“Pero ngayon, lucky ako dahil hindi nakukuwestiyon, walang nag-aano.

"I think it's about the craft, e.

"It's about me being an actor, na I'm willing to do na kahit ano pang characters ang ibigay sa akin because it's something that I really love."

Wala raw talagang kuwestiyon sa kanyang totoong gender.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Christian, "Wala pa naman po. Si Barbs ay babae, hindi bading."

At muli niyang idiinin na isa siyang straight guy.

JOHN LLOYD-SARAH MOVIE. Sa kabilang banda, kasama si Christian sa bagong pelikula nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo para sa Star Cinema, ang Finally Found Someone.

Paano niya nakuha ang role dito?

Kuwento niya, "Nag-audition po.

"Tinawagan ako na pumunta dito sa ABS, sa Star Cinema, para mag-audition nga for a John Lloyd-Sarah film.

"At first hesitant ako, kasi before Die Beautiful, sobrang ano ako sa rejections sa auditions, simply because hindi ako kilala, ganun. Wala akong name.

"Kaya nung mag-audition ako, sabi ko, 'A, sige, try ko.'

"Pero right then and there, nung araw na yun, nakuha agad ako.

"So, sobrang saya po."

Dream come true rin ito sa kanya dahil pareho raw niyang hinahangaan sina John Lloyd at Sarah.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN