Erich Gonzales turns down admirer Xian Gaza's coffee-date invitation

IMAGE Instagram (@erichgg, @xiangaza)

Kapamilya actress Erich Gonzales (left) decided to turn down the offer of Xian Gaza, a young businessman, to have a coffee date. In the right photo is Xian together with Erich, when the former chanced upon the actress and asked her for a selfie earlier this month. 


Nagdesisyon si Erich Gonzales na tanggihan ang coffee-date invitation sa kanya ng negosyanteng si Xian Gaza.

Si Xian, nagpakilalang CEO diumano ng isang kumpanya, ang nagpagawa ng billboard sa Morayta Avenue, Manila, upang yayain si Erich para sa isang coffee date.

Pagkatapos maging viral ang larawan ng kanyang billboard, lumabas ang mga alegasyon laban sa negosyante na isa diumanong scammer.


Stories We Are Tracking

Netizen claims Erich Gonzales's admirer is a scammer
Netizen claims Erich Gonzales's admirer is a scammer
Ella Cruz's mom reveals how Xian Gaza scammed her family
Ella Cruz's mom reveals how Xian Gaza scammed her family

ERICH’S DECISION. Sa panayam ni Erich na lumabas sa ABS-CBN Online nitong Linggo, July 16, inamin ng Kapamilya actress na natuwa siya sa ginawang effort ni Xian.

“To be honest, regarding that issue, noong una, just like you guys, na-surprise ako. Natuwa naman ako sa effort.

“As things unfolded, lumabas yung mga exposé about him...

"Ako naman kasi, personally, lahat naman ng supporters ko, naa-appreciate ko lahat ng ginagawa nila—malaking bagay o maliit man 'yan."

Pero dahil daw sa payo ng kanyang mga kaibigan at kapamilya, nagdesisyon si Erich na tanggihan ang imbitasyon sa kanya ni Xian.

Sabi niya, “Parang naging uncomfortable ako.

"After talking to my family and my closest friends, I decided not to meet him na lang."

Pahayag pa ng aktres, simple lang siya at hindi kailangang maging magarbo upang makuha ang kanyang atensiyon.

HAPPY AND GRATEFUL. Samantala, aminado si Erich na may mga nagpaparamdam sa kanya ngayon.

Pero hindi pa raw siya handang pumasok sa panibagong relasyon.

“May mga nagpaparamdam po, pero wala muna. Ten years pa.

"Let’s just focus muna sa sarili, sa mga bagay na importante, sa pamilya."

Sa ngayon daw ay masaya siya at kuntento sa kanyang kalagayan.

“Right now, madami pong dahilan para maging masaya at maging grateful.”

Ang huling nakarelasyon ni Erich ay ang Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN