Maricar de Mesa remains mum about baby daddy's identity: "Pagdating na lang niya."

IMAGE Nerisa Almo

Maricar de Mesa on choosing to give birth in the Philippines: "Iba ang Pinoy, e. Maalaga ang mga Pinoy, nakita ko 'yon."


Sa Pilipinas napili ni Maricar de Mesa na isilang ang anak nila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Paliwanag ng aktres, “I'm comfortable here, e. Nandito ang family ko and my friends.

"Doon, siya and my few friends. E, it's my first pregnancy."

Ayon pa kay Maricar, iba pa rin daw kung dito siya sa Pilipinas manganganak kaysa sa Amerika.

“Mahirap kasi roon, e.

“I have a friend who gave birth doon, parang two nights lang siya, 'Okay ka na, lakad ka na.'

“Dito, iba ang Pinoy, e. Maalaga ang mga Pinoy, nakita ko yun.

“And my mom can only stay mga two or three weeks kung sa States ako manganganak.

“So, sabi ko, dito na lang, at saka pumayag din naman ang father.

“I have support here.”

Napanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maricar bago ang baby shower na inihanda para sa kanya ng mga kaibigan mula sa loob at labas ng showbiz sa Aprica, noong Sabado, July 15.

BABY DADDY. Tumanggi namang magbigay ng anumang impormasyon si Maricar tungkol sa ama ng kanyang magiging anak, na papangalanan nilang Sky.

“Pagdating na lang niya, ipapakilala ko na lang siya sa lahat,” sabi niya.


Stories We Are Tracking

Maricar de Mesa is pregnant; netizens ask,
Maricar de Mesa is pregnant; netizens ask, "Who's the father?"
Maricar de Mesa gives a glimpse of her baby's father
Maricar de Mesa gives a glimpse of her baby's father

Gayunman, ikinatuwa raw nilang mag-partner ang positibong reaksiyon ng netizens sa paunang pagpapalabas niya ng kanyang pregnancy photos.

“Paisa-isa lang upload ko.

"Sabi ko, ayaw kong itago, kasi malalaman din nila dahil uuwi din naman ako sa Philippines.

“So, sabi ko, ilabas ko nang paisa-isa, at saka nasa trips naman kami nun.”

Patuloy ni Maricar, “Okay lang. Yung father, sabi niya, 'Wow!'

“Sabi ko, 'O, yung first appearance mo sa Instagram ko, wow, ha.'

“Sabi ko, 'Nag-trend yung photo mo.'

"That's the first time kasi na nilabas ko siya since I got separated, tapos pregnant pa ako.

“So, sabi ko, 'Ilalabas pa ba kita?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya, 'Pagdating ko na lang diyan para makita na nila ako.'"

Happy birthday to this soon-to-be daddy ??

A post shared by Maricar De Mesa (@msmaricardemesa) on

Ayon kay Maricar, nakilala niya ang kanyang non-showbiz partner sa isang event dito sa Pilipinas.

Ngunit di tulad ng dati, pinili raw niyang maging pribado na pagdating sa kanyang personal relationship.

“I chose to be private pagdating sa new relationship.

“Like what I've said, ang gulo ng separation ko din, e.

“Ayaw ko nang napapag-usapan, ayaw ko nang nababanggit yun.

“Tapos na. I've moved on.

“We got our annulment earlier this year. Everything is final, talagang bagong life na.”

Ikinasal si Maricar sa dating basketball player na si Don Allado noong 2006.

Noong 2014 ay humiling ang aktres ng annulment of marriage dahil sa rason na “psychological incapacity.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN