Yassi Pressman assures Coco-Julia fans there's no reason to be jealous

IMAGE Rose Garcia

Yassi Pressman on dealing with bashers: "Mapa-artista or mapa-kahit anong trabaho natin, meron talaga. Kahit mga students, meron talaga. Wala po tayong magagawa. Ako, minsan naaaapektuhan. Minsan, wala, dine-deadma ko na lang."


Tanggap ni Yassi Pressman na kasabay ng magagandang nangyayari sa kanyang career ang pagsulpot ng bashers.

Natatawang pahayag ng Kapamilya actress, “Meron naman po talagang mga ganun sa social media, lalo na sa panahong ito.

“Mapa-artista or mapa-kahit anong trabaho natin, meron talaga. Kahit mga students, meron talaga.

“Wala po tayong magagawa.

“Ako, minsan naaaapektuhan. Minsan, wala, dine-deadma ko na lang.”

Hindi naman daw niya ugaling sumagot sa bashers.

Kahit naaapektuhan siya minsan, tumatakbo na lang daw siya sa pamilya at mga kaibigan niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yassi sa launching niya bilang kauna-unahang Filipino celebrity endorser ng Nivea, sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City, kahapon, July 16.

LEADING LADY. Si Yassi ang leading lady ni Coco Martin sa ABS-CBN primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano.

May ilang bashers na tila gusto siyang matanggal sa show.

Ang suspetsa ng ilan, ang may gustong mawala siya sa teleserye ay ang mga tagahanga nina Coco at Julia Montes, na nali-link sa aktor.

Dahil sa mga batikos na ganito, nagkakaroon ba siya ng conscious effort na umiwas kay Coco kahit nasa taping sila?

Ayon kay Yassi, “Okey lang po, magkaibigan naman kami kaya kapag ganun, kapag nasa set, normal naman po.”

Nag-uusap sila ni Coco?

“Opo naman, siyempre!” natawang sagot ng dalaga. “Araw-araw kaming magkasama, e.”

Sweet ba si Coco sa kanya?

Tugon ni Yassi, “Sa lahat naman po, ganun naman siya.

“Kapag nakita niyo po, mga staff namin, sobra niya pong inaalagaan.”

May dapat bang ipagselos sa kanya?

“Wala po, wala naman pong talaga,” nakangiti niyang sagot.

STATUS: SINGLE. Sa kabila ng usap-usapan tungkol sa kanila ni Coco o ang pagseselos ng ibang fans sa kanya, wala raw boyfriend ngayon si Yassi.

Saad niya, “Wala po, wala rin pong time.

“Minsan ko na nga lang po nakikita ang bahay at saka family ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan po, kapag Monday to Saturday, taping po talaga.”

Hindi niya nami-miss ang may special someone?

“Punung-puno po ako ng love!” natawang sagot niya.

Dahil siya ang leading lady ni Coco sa Ang Probinsyano, marami ang nag-akalang siya rin ang kukunin ng aktor bilang na leading lady nito sa pelikulang Ang Panday. 

Ngunit ang kinuhang leading lady ni Coco para sa kanyang Metro Manila Film Festival 2017 entry ay si Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon, anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Nagpasintabi ba si Coco sa kanyang iba ang kukunin nitong leading lady?

“Hindi naman po, grabe naman po!” nagulat na reaksiyon ng Viva artist.

“Wala naman po ako sa ganung posisyon. 

“Napag-uusapan lang po, kasi sa cast, marami rin pong parte ng pamilya namin, sa Ang Probinsyano.”

Kahit paano, hindi siya nag-expect?

“Hindi po ako mahilig mag-expect, e!” natawang sagot ni Yassi.

“At saka para naman po iba rin. Ako, excited po ako na mapanood sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN