"Tawag ng Tanghalan" champion Noven Belleza faces rape complaint

IMAGE Noel Orsal

Ayon sa pulisya, kung may probable cause, maaaring maglabas kaagad ang korte ng warrant of arrest kay Noven Belleza at ididiretso siya sa city jail habang dinidinig ang reklamong rape laban sa singer. Pero kung papayagang makapagpiyansa, maaaring makalaya pansamantala ang kauna-unahang grand champion ng "Tawag ng Tanghalan" ng It's Showtime


Pormal nang sinampahan ng reklamong panggagahasa ang “Tawag ng Tanghalan” first grand winner na si Noven Belleza.

Isinampa ang reklamo laban sa singer sa Cebu City Prosecutor’s Office, Lunes ng hapon, July 17.

Ayon kay Mabolo Police Station head Chief Inspector Jacinto Mandal Jr., reklamong paglabag sa Republic Act 8353 o mas kilala sa tawag na "Anti-Rape Law of 1997" ang isinampang reklamo ng biktima laban kay Noven.

Pahayag ni Mandal sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sa prosecutor’s office, if there is a probable cause, patuloy siya sa kustodiya ng kapulisan.

“Then after that, if there is an information na papunta sa court, either there is a bail or not, iisyuhan siya ng warrant.

“Ang mangyari nito, assuming na mayroong probable cause and mayroong information, and there is no bail recommended for that matter, so mangyari, papunta siya doon sa malaking bahay [city jail].

“Pero kung merong bail recommended, so ang gagawin, lalabas siya for his temporary liberty.

"And after that, mag-court battle sila."

Sa Twitter, ibinahagi naman ng The Freeman ang larawan ng aktuwal na pagsasampa ng reklamo ng pulisya laban kay Noven.


Pumutok ngayong araw ang balitang naaresto via “citizen’s arrest” ang "Tawag ng Tanghalan" grand champion matapos diumano nitong gahasain ang isang kaibigan sa Barangay Lahug, Cebu City, noong madaling-araw ng Sabado, July 16.


Stories We Are Tracking

Noven Belleza arrested in Cebu for alleged rape
Noven Belleza arrested in Cebu for alleged rape


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN