Jolina Magdangal rushed to the emergency room, says husband Mark Escueta

IMAGE Noel Orsal / @mariajolina_ig

Jolina Magdangal was rushed to the emergency room this Monday morning, July 17, due to lower-back pain, according to her husband Mark Escueta. Right photo shows Jolina's hand shared by Mark on Instagram. 


Hiniling ni Mark Escueta sa netizens na ipagdasal ang kanyang misis na si Jolina Magdangal, na isinugod sa emergency room dahil sa pagsakit ng lower back nito ngayong Lunes ng umaga, July 17.

Gamit ang social media accounts ng asawa, nag-post ng mensahe si Mark upang ibahagi na isinugod sa emergency room ng di pinangalanang ospital si Jolina.

Ayon sa Rivermaya frontman, “Kaninang 6:30am nagising si Jolina dahil masakit daw ang lower back niya, hanggang harapan. Nandito nanaman kami sa ER.

“May additional tests na kailangang gawin. Please pray that it's nothing serious, at hindi rin complication nung aksidente nung Monday. Maraming salamat.”

Eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang masangkot sa isang vehicular accident ang mag-asawang Mark at Jolina at ang kanilang anak na si Pele.

Papunta noon ang mag-anak sa airport, para sa kanilang flight papuntang Hong Kong, nang banggain ng isang van ang kanilang SUV sa may East Avenue, Quezon City.

Sa ibinigay na update ni Mark, malaki ang pasasalamat nitong maayos naman ang kalagayan nilang mag-asawa at ni Pele pagkatapos ng aksidente. 


Stories We Are Tracking

Mark Escueta gives update after vehicular accident
Mark Escueta gives update after vehicular accident
Jolina Magdangal, husband involved in vehicular accident
Jolina Magdangal, husband involved in vehicular accident


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN