Yassi Pressman reacts to Nadine Lustre's change of image

IMAGE Noel Orsal / Rose Garcia

Yassi Pressman (right) on professional rivalry with friend Nadine Lustre (left): "Para po sa akin, wala po talagang kumpetisyon. Parang ganun din sa kanya. Hindi naman naapektuhan ang friendship namin."


Itinanggi ni Yassi Pressman na may namumuong kumpetisyon sa pagitan nila ng kaibigang si Nadine Lustre.

Katulad ni Nadine, sunud-sunod ang proyekto ni Yassi at maging product endorsements, dahilan upang isipan ng karamihan na naaapektuhan na ang kanilang pagiging magkaibigan.

Ngunit ayon kay Yassi, “Hindi po. Para po sa akin, wala po talagang kumpetisyon.

“Parang ganun din sa kanya.

“Hindi naman naapektuhan ang friendship namin.

“Hindi lang talaga kami nakakapag-hang out talaga, hindi nakakapagkita.

“Pero kapag nagkakausap kami, kinukumusta ko pa rin, kimukumusta rin niya ako.

“Kapag nagkukumustahan namin kami, ganun pa rin.

“I'm here naman to support her kapag may question, pero wala naman po silang tinatanong sa akin, o naghihingi ng advise.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yassi sa grand media launch ng NiveaDeo, kung saan siya ang kauna-unahang female celebrity endorser nito.

Ginanap ito sa Novotel Hotel & Resorts, sa Cubao, Quezon City, noong July 16.

CHANGES IN NADINE. Pero ano ang masasabi niyang marami ang nakakapansin sa pagbabago ngayon ng kaibigan mula raw nang maging boyfriend nito si James Reid?

Kung noon ay sweet at conservative ito, ngayon daw ay tila naging liberated na ito at walang pakialam sa mundo.

Kamakailan lang ay naging kontrobersiyal ang sagot ni Nadine tungkol sa usap-usapang nagli-live-in na raw sila ni James.

Sabi ni Nadine: “If that was true, so what? It's not new anymore. Like, there are younger couples na mas young pa sa akin na [nagli-live in]. It's normal na, e. Come on, guys! It's 2017."


Stories We Are Tracking

Nadine Lustre reacts to live-in issue with BF James Reid
Nadine Lustre reacts to live-in issue with BF James Reid
Nadine shrugs off negative reaction to living-in comment
Nadine shrugs off negative reaction to living-in comment

Bilang kaibigan ni Nadine, nagugulat ba si Yassi?

Sagot ng Ang Probinsyano star, “A, hindi ko po alam.

“Pero nagmama-mature, naggu-grow [si Nadine], hindi ko po...

“Hindi ko po kasi sila nakikita, ayun.

"Nagkukumustahin kami lagi... hindi naman lagi.”

Ang pagbabago raw na ito kay Nadine ang isa sa dahilan kung bakit ito itinanghal bilang FHM Sexiest Woman in the Philippines ngayong 2017.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Reaksiyon dito ni Yassi, “Congrats!

“Sa kanya na po yun, ibigay na natin sa kanya.”

Masaya raw siya sa tinatamasang tagumpay ng kaibigan na, katulad niya, alam niyang ganun din ang pakiramdam nito para sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN