Kakai Bautista on Ahron Villena: "Accepted ko naman kung ano man siya."

IMAGE Bernie Franco

Comedienne Kakai Bautista revealed that she recently had dinner with actor Ahron Villena, who was romantically linked to her. She said, "Nagkita kami ulit. We had dinner. Okay na kami. Hindi namin pinag-usapan yung past. Basta ang importante, puwede kaming magtrabaho, masaya ka, masaya na ako, di ba?"


Nagkaayos na ang comedienne-singer na si Kakai Bautista at ang na-link sa kanyang aktor na si Ahron Villena.

Pagbabalita ni Kakai, “We’re okay now.

“Hindi kami [on] speaking terms [dati], pero nagkita kami ulit. We had dinner.

“Okay na kami. Hindi namin pinag-usapan yung past.

"Basta ang importante, puwede kaming magtrabaho, masaya ka, masaya na ako, di ba?”

Matagal na raw silang nag-sorry sa isa't isa, pero hindi raw porke't muli silang nagkita ay magiging madalas na ang kanilang komunikasyon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Kakai sa press conference ng Live, Love, Laugh, ang comedy concert na tatampukan niya kasama sina Jon Santos at ISPRIKITIK Improv group.

Ginanap ang presscon sa Newport Performing Arts Theatre, Resorts World Manila, ngayong Martes, July 18.

Ang Live, Love, Laugh ay gaganapin sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Resorts World Manila sa August 12-13.

HAPPY FOR AHRON. Natawa naman si Kakai nang usisain kung mayroon bang someone na ipinakilala sa kanya si Ahron.

Saad niya, “Sinagot ko na ‘yan dati.

"Alam ko naman yun, and accepted ko naman kung ano man siya.

“Ganun ka naman pag nagmamahal ng tao, di ba?

"Lahat ng kahinaan, tatanggapin mo. At lahat ng kalakasan, iaangat mo.

"Pero wala na yun. Magkaibigan kami, okay na kami."

Dagdag niya, “Happy ako para sa kanya, kung ano ang pinaggagagawa niya sa buhay.

“Wapakels ako. Masaya ako sa buhay ko.”

Hirit pa ni Kakai, “Hindi naman sa lahat ng panahon ang ganitong mukha ay naghahabol ng lalaki.

"Ako ang talagang hinahabol ng lalaki!"

THE REAL SCORE. Noong 2015 ay pinaghinalaang magkarelasyon sina Kakai at Ahron dahil sa pagiging sobrang close nila sa mga larawang ipinu-post nila sa kani-kanilang social media accounts.

Pero noong March 2016, marami ang nagulat sa post ni Ahron na tila na-friendzone si Kakai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Binura rin ni Ahron sa kanyang Instagram account ang mga larawan nila ni Kakai.

Sa exclusive interview ng PEP kay Kakai noong June 2016, inamin niyang nagkaroon sila ng special relationship ni Ahron.

Makahulugan ding ang pahayag ng aktres na hindi siya two-timer.


Stories We Are Tracking

Ahron Villena deletes #AhKai posts on his Instagram
Ahron Villena deletes #AhKai posts on his Instagram
Kakai Bautista opens up on past romance with Ahron Villena
Kakai Bautista opens up on past romance with Ahron Villena

Kasabay ng paghihiwalay ng landas nina Kakai at Ahron ay ang paglutang ng isyung mayroon umanong ibang babaeng idini-date si Ahron.

Pagpasok naman ng January 2017, iniugnay si Ahron sa kasama niyang non-showbiz guy sa isang out-of-the-country trip. Subalit nilinaw ni Ahron na kaibigan lamang niya ang lalaki.


Stories We Are Tracking

Who is Ahron Villena's hunky travel companion?
Who is Ahron Villena's hunky travel companion?
Ahron Villena slams speculations linking him to male friend
Ahron Villena slams speculations linking him to male friend


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN