Jake Zyrus says goodbye to monthly period

IMAGE Instagram (@jakezyrusmusic)

Jake Zyrus, previously known as Charice Pempengco, continues to experience body changes as he embraces his new identity as a transgender man. 


Ibinahagi ni Jake Zyrus—dating Charice Pempengco—ang mga pagbabagong nararanasan niya bilang isang transgender man.

Maliban sa pagpapatanggal ng dibdib at pagpapa-inject ng testosterone, sinabi ng singer na hindi na siya dinadatnan ng monthly period o menstruation.

“No. Iniwan ko na po siya.

"Sabi ko, ‘Huwag ka nang babalik. Huwag ka nang kumatok at dumalaw ulit,’” kuwento ni Charice sa panayam niya sa ABS-CBN morning show na Magandang Buhay na umere ngayong Miyerkules, July 19.

Sa isang artikulong lumabas sa website na www.ftmtopsurgery.ca, ipinaliwanag dito kung paano posibleng mapigilan ang pagkakaroon ng monthly period ng FTM (female-to-male) patients.

Posibleng magkaroon ng iregularidad sa pagkakaroon ng monthly period kapag nag-exceed na ang level ng testosterone sa katawan ng isang FTM patient, dahil pinipigil ng testosterone ang ovulation ng egg.

Isa pang paraan para matigil ang pagkakaroon ng buwanang regla ay ang “bottom” surgery, na tatlong uri ng operasyon: ang oophorectonomy, hysterectomy, at endometrial ablation.

Sa oophorectonomy, ang tinatanggal ay ang ovaries; sa hysterectomy naman ay uterus ang inaalis; habang ang uterine lining naman ang tinatanggal sa endometrial ablation.  

MORE THAN PHYSICAL PREPARATION. Nakikita na rin daw ang mga pagbabago sa katawan ni Jake mula nang magpa-inject siya ng testosterone, kagaya ng pagkakaroon ng bigote.

“Yun po ang mga changes... obviously, yung voice, yung facial hair, yung sa body po, ganyan,” sabi ng 25-anyos na singer.

Ayon pa kay Jake, higit sa prosesong pagdadaanan ng kanyang pagkatao, mas pinaghandaan daw niya ang reaksiyon ng mga tao.

“I guess, yung expectations ko, yung magiging reactions ng mga tao, kung paano ko ihahanda ang sarili ko.

“But then again, expected ko naman din po na hindi naman ito picnic, hindi naman po lagi happy ending.

“Kung merong masaya, siyempre meron ding di okay, which is okay lang din, dahil yun ang bumabalense sa buhay ko,” saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON LOVE LIFE. Diretso ring tinanong si Jake kung mayroon na bang bagong nagpapatibok ng kanyang puso.

“Masaya po ako,” makahulugan niyang sagot.

Ang huling nakarelasyon ng singer ay si Alyssa Quijano.

Kinumpirma nila ang kanilang paghihiwalay noong Abril 2017, pagkatapos ng apat na taong pagsasama.

Sinabi ni Jake na mutual decision ang kanilang paghihiwalay at walang third party involved.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN