Prosecutor downgrades case vs Noven Belleza to sexual assault

IMAGE Noel Orsal

Nakalabas na ng ospital ang singer na si Noven Belleza matapos ibaba sa sexual assault ang kaso laban sa kanya. 


Mula sa rape ay ibinaba na sa sexual assault ang kaso laban sa singer na si Noven Belleza.

Ito ay matapos suriin ni Cebu City Assistant Prosecutor Ma. Theresa Casiño ang mga ebidensiyang inihain ng biktima.

Bailable ang sexual assault; hindi katulad ng rape na walang piyansang pinahihintulutan ang batas.  

Ayon sa ulat ng inquirer.net, pinatawan ng P120,000 na piyansa ang suspek na si Noven.  

Nakalabas na rin ang "Tawag ng Tanghalan" grand champion mula sa kanyang hospital arrest ngayong Miyerkules, July 19.

Ayon naman sa abugado ni Noven, maglalahad sila ng kanilang panig kapag umuusad na ang kaso sa korte.  

Pahayag ni Atty. Leilani Villarino, “We will answer everything during court trial.

"What is important now is he will be able to post bail.

"For now, he enjoys the presumption of innocence."

Inaresto ng Mabolo police officers si Noven pagkatapos ng concert ni Vice Ganda na Pusuan Mo Si Vice Ganda sa Cebu, noong madaling-araw ng Linggo, July 16.

Ito ay dahil sa bintang na panggagahasa diumano ni Noven sa isang 19-year-old local performer.

Kahapon, July 18, nagpaunlak ng eksklusibong panayam sa PEP ang isang malapit na kaibigan ng biktima, kung saan idinetalye nito ang pangyayari, base sa kuwento ng boyfriend ng biktima.


Stories We Are Tracking

Noven Belleza arrested in Cebu for alleged rape
Noven Belleza arrested in Cebu for alleged rape
"Tawag ng Tanghalan" champ Noven Belleza faces rape complaint
Alleged details in rape complaint vs Noven Belleza come out
Alleged details in rape complaint vs Noven Belleza come out

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN