Noven Belleza asserts innocence in sexual assault case

IMAGE Noel Orsal

Ayon sa statement ng ABS-CBN na ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), naninindigan ang singer na si Noven Belleza na hindi niya ginawa ang sexual assault case na isinampa laban sa kanya ng isang singer mula sa Cebu. 


“Inosente.”

Ito ang paninindigan ni Noven Belleza kaugnay ng kasong sexual assault na isinampa laban sa kanya ng isang 19-year-old local singer mula sa Cebu.

Sa opisyal na pahayag na inilabas ng ABS-CBN, sa pamamagitan ng Corporate Communications head na si Kane Choa, ngayong Miyerkules ng hapon, Hulyo 19, naninindigan ang "Tawag ng Tanghalan" first grand champion na hindi totoo ang kasalanang ibinibintang sa kanya.

Patutunayan daw niya ang kanyang pagka-inosente kapag umusad na ang kaso.

Pansamantalang nakalaya si Noven mula sa pagkakapiit nito sa isang pribadong ospital sa Cebu ngayong araw, matapos ibaba ni Cebu City Assistant Prosecutor Ma. Theresa Casiño ang kaso ng singer, mula rape, sa sexual assault.

Pinayagan ding makapagpiyansa ang singer sa halagang P120,000.

Inaresto ng Mabolo Police si Noven matapos itong mag-perform sa Pusuan Mo Si Vice Ganda Sa Cebu concert, sa IEC Pavillion, Barangay Mabolo, Cebu City, madaling-araw ng Linggo, July 16.

Ito ay matapos akusahan si Noven ng panggagahasa sa isang 19-anyos na babae, noong madaling-araw ng Biyernes, July 15, sa isang condo unit sa Barangay Lahug.

Ang nagpakilalang biktima ay naging contestant din sa "Tawag ng Tanghalan," kung saan si Noven ang itinanghal na grand champion.

Lumabas naman sa preliminary investigation ng korte na walang rape na nangyari dahil daliri lamang daw ang ginamit ng singer upang pasukin ang maselang bahagi ng katawan ng biktima.

Narito ang buong pahayag ng ABS-CBN:

“Noven Belleza posted baild today in connection with the charge of sexual assault filed with the Regional Trial Court of Cebu City.

“Noven asserts that he did not commit the crime charged and he will prove his innocence in the course of the legal proceedings.”


Stories We Are Tracking

Prosecutor downgrades Noven Belleza case to sexual assault
Prosecutor downgrades Noven Belleza case to sexual assault
Alleged details in rape complaint vs Noven Belleza come out
Alleged details in rape complaint vs Noven Belleza come out
"Tawag ng Tanghalan" champ Noven Belleza faces rape complaint
Noven Belleza arrested in Cebu for alleged rape
Noven Belleza arrested in Cebu for alleged rape


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN