Ogie Alcasid rejected by Little Big Shots owners to host local franchise

IMAGE Noel Orsal

Ogie Alcasid on auditioning for Little Big Shots hosting job: "Na-appreciate ko naman sa mga boss natin sa ABS-CBN na they were very supportive of me, they were very honest. And ganun talaga. And gusto ko yung dinaanan ko yun na nag-audition ako, and ganun, di ka natanggap, and it's part of the process."


Hindi na si Ogie Alcasid ang maghu-host sa Philippine version ng Little Big Shots.

Ang Little Big Shots ay isang sikat na children's talent show sa Amerika na hinu-host ni Steve Harvey.

Nabili ng ABS-CBN ang Philippine franchise nito at si Ogie sana ang gusto ng management na mag-host nito.

Nag-mock up taping na nga raw ang singer-songwriter para sa show.

Ngunit mas pinili raw ng franchise owners si Billy Crawford na mag-host ng show dahil sa international-star status nito.

Ayon pa sa balita, kung sakaling natuloy si Ogie sa show, maggi-guest sana rito ang anak nila ni Regine Velasquez na si Nate.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie sa launch ng kanyang unang album para sa Star Music, ang NakakaLokal, sa Dolphy Theater, ngayong Miyerkules, July 19.

Dito ay inamin ng singer-songwriter na nalungkot ang misis niyang si Regine Velasquez dahil hindi siya natuloy sa Little Big Shots.

Saad ni Ogie, “Kasi si Regine, lagi niyang pinapanaood yun, e, kay Steve Harvey.

"But at the same time, kami kasi, e, tanggap na namin yun, that it’s part of yung business today.

“Siyempre, dapat talaga yung karapat-dapat ang magiging host.

"And I’m just thankful to ABS-CBN that they considered me, that I was given the opportunity to do the mock shoot."

Masaya raw si Ogie na napunta ito kay Billy, na kasamahan niya sa It’s Showtime.

“And I’m so happy that it went to Billy, very proud of him.

"Obviously, he deserves it more than I do.

"And I even texted him na, ‘Pare, I'm 100 percent behind you all the way.’

“And I wish him all the success for it.”

NAGDAMDAM? Paglilinaw ni Ogie, ang naramdamang kalungkutan ni Regine ay bilang asawa niya at hindi pagdaramdam sa Kapamilya network.

Ayon sa singer, “I guess, siguro nagdamdam si Regine dahil siguro gusto niya sa akin yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Like what I always say, merong nababagay sa 'yo, merong hindi, so...

“And thinking now my schedule, parang hindi ko rin 'ata magagawa.

"And I’m so happy that Billy was able to get it, and I’m really very proud of him.”

Nagpaliwanag din si Ogie tungkol sa mock taping niya para sana sa show.

“Ako yung pinu-push ng ABS-CBN, so I think the company that owns the franchise wanted to see me.

"I think, because bago rin ako dito [sa ABS-CBN], and because they know Billy, obviously because he’s an international star and ang dami na niyang hinost...

“So, na-feel nung may-ari ng franchise na si Billy talaga. Sila may-ari, so sila masusunod.

“And na-appreciate ko naman sa mga boss natin sa ABS-CBN na they were very supportive of me, they were very honest. And ganun talaga.

“And gusto ko yung dinaanan ko yun na nag-audition ako, and ganun, di ka natanggap, and it’s part of the process.”

Nagtampo ba siya sa istasyon dahil hindi natuloy ang hosting job niya para sa show?

Sagot ni Ogie, “Hindi sa management.

"For me kasi, it’s an issue between me and God.

"Sabi ko, ‘God, ano ba sinasabi Niyo sa akin dito kasi prinepare Niyo ako?’ ganun-ganun.

“But for me, parang nakuha ko dun, ‘Anak, hindi, ito muna.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN