Timothy Tan claims receiving death threats after altercation with Clarisma Sison's husband

IMAGE Mark Atienza

Timothy Tan, estranged husband of Sunshine Dizon, on 'death threats' that he's been receiving: "Alam mo, honestly, ako, hindi ko na lang sila pinapansin, e. Kumbaga sa akin, kung ikaw, kung papatay ka man ng tao siguro, hindi mo na kailangang i-inform yung tao, e. What's the purpose of informing yung tao kung may gagawin kang masama, di ba?


Nakakatanggap daw ng death threats ngayon ang estranged husband ni Sunshine Dizon na si Timothy Tan.

Ayon kay Timothy, nagsimula ang pagbabanta sa kanyang buhay matapos niyang masangkot sa gulo noong nakaraang linggo, kung saan nagkasuntukan sila ng asawa ni Clarisma Sison na si Robert Sison.

Si Clarisma ang napabalitang nakarelasyon ni Timothy at naging dahilan ng paghihiwalay ng huli at ni Sunshine.

Pahayag ni Timothy sa panayam niya sa radio show ng DZRH na Showbiz Talk Ganern kagabi, July 18, “Marami akong threat na natatanggap lately.

“Right after nung incident na yun, the following day, may nagti-text na sa akin.

“Parang sinasabi na, ‘Hindi ka na sisikatan ng araw.’

“Parang, ‘Alam namin kung nasaan ka. Hahanapin ka namin, hindi ka namin titigilan hanggang hindi ka namin napapatay.”

Diin ng piloto, “Pero hindi ko sinasabi kung kanino galing.

“Kayo na ang bahalang humusga kung sino ba ang puwedeng mag-text sa akin ng mga ganun.”

IN FEAR FOR HIS LIFE. Inamin ni Timothy na may kaunting takot din siyang nararamdaman, pero ayaw niya itong pansinin dahil makakadagdag lang ito sa kanyang stress.

“Alam mo, honestly, ako, hindi ko na lang sila pinapansin, e.

“Kumbaga sa akin, kung ikaw, kung papatay ka man ng tao siguro, hindi mo na kailangang i-inform yung tao, e.

“What’s the purpose of informing yung tao kung may gagawin kang masama, di ba?

“Ako, kahit papa’no, nangangamba ako, pero hindi ko na lang masyado… ayoko nang dagdagan pa ng stress sa buhay ko,” sabi niya.

Nakipag-ugnayan na raw si Timothy sa kapulisan para mabigyan siya ng proteksiyon at ang kanyang pamilya.

“Nakipag-coordinate na ako sa mga kapulisan kung ano ang puwedeng gawin.

“Siyempre proteksiyon ko at proteksiyon ng mga anak ko,” pakli niya.

THE ALTERCATION. Ayaw munang magbigay ni Timothy ng detalye tungkol sa plano niya, pero tiyak daw na magsasampa siya ng kaso laban kay Robert Sison.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Damay rin daw sa isasampa niyang kaso ang direktor na kasama ni Sison noong gabing naganap ang gulo sa isang restaurant sa may Tomas Morato, Quezon City.

Kinilala ni Timothy ang direktor na si Roderick Lindayag.

Ibinahagi ni Timothy ang bersiyon niya ng nangyari sa restaurant na pinangyarihan ng gulo, pagkatapos nilang magkasuntukan ni Sison sa comfort room.


Stories We Are Tracking

Timothy Tan figured in brawl with husband of Clarisma Sison
Timothy Tan figured in brawl with husband of Clarisma Sison

Nauna raw si Sison na itinulak siya at sabay suntok, kaya gumanti siya.

Paglabas ng comfort room, nagsisigaw raw si Sison at nagsusumbong na sinuntok siya ni Timothy.

Doon daw nagsilapitan ang mga kasamahan ni Sison.

Bahagi ng mahabang salaysay ni Timothy, “May isang lalaki na umaawat sa amin na tinutulak ako.

“Hindi naman yung patulak na ano… parang inilalayo kami, parang ganun.

“Nagsalita siya sa akin na, ‘Hindi mo ba ako kilala?’

“Honestly, hindi ko talaga siya kilala.

“Tapos sabi niya, ‘Diyan ako sa tapat.’

"Yung tapat na yun, pertaining sa big network, sa ABS-CBN.

“Hindi ako umimik, tapos parang sinabi niyang, ‘Direktor ako diyan.’

“Hindi ako umimik. Hinayaan ko na lang siya magsalita.

“Then, parang nagsalita siya sa akin na, ‘Ang dapat sa ‘yo tinutumba at papatayin kita.’

“Nung narinig ko yun, kinabahan ako for my safety.”

THE DIRECTOR. Patuloy na kuwento ni Timothy, “Pumasok ako sa bar… parang may bar dun, e.

“Nagtanung-tanong ako dun, at napag-alaman ko na siya nga pala si Direk Roderick Lindayag.

“Pagpasok ko dun, tumawag ako ng 911 for police assistance, dahil mag-isa lang ako, e. Mag-isa lang ako that night.

“Tumawag ako ng police for my safety also, dahil binantaan ang buhay ko nung direktor.”

Si Lindayag ay direktor ng mga episode ng ABS-CBN drama anthology na Ipaglaban Mo.

Pero bago ito ay naging direktor siya ng ilang teleserye sa GMA Network, gaya ng Ikaw Lang ang Mamahalin (2011), Together Forever (2012), Sana ay Ikaw Na Nga (2012), at Kakambal Ni Eliana (2013).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Timothy, hindi niya alam kung bakit ganun na lang ang galit sa kanya ng direktor.

“Naano lang ako kay Direk na bakit kailangan pa niyang gamitin yung pangalan ng malaking network na ipinagmamalaki niya na, ‘Diyan ako, diyan ako nagtatrabaho, taga-diyan ako.’

“Parang napaka-unprofessional, di ba?” pahayag niya.

Hindi naman malinaw kung nakatrabaho na ni Lindayag ang misis ni Timothy na si Sunshine Dizon.

Sabi pa ni Timothy, pinag-uusapan na ng kanyang legal counsel kung ano ang kasong isasampa niya laban kina Sison at Lindayag, na balak niyang i-file sa susunod na linggo.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig nina Robert Sison at Direk Roderick Lindayag kaugnay ng mga naging pahayag ni Timothy Tan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN