Boyfriend of complainant in Noven Belleza sexual assault case slams singer, bashers

IMAGE Noel Orsal

Naglabas ng saloobin ang boyfriend ng complainant sa kasong sexual assault na isinampa laban sa singer na si Noven Belleza. Sana raw ay alamin muna ng mga netizen ang totoong pangyayari bago pagbintangan ng kung anu-ano ang kanyang kasintahan. 


Pinalagan ng boyfriend ng diumano’y biktima sa kasong sexual assault ni Noven Belleza ang pamba-bash na natatanggap ng kasintahan sa social media.

Mula sa rape ay ibinaba sa sexual assault ang kasong isinampa laban sa singer.

Ang complainant na isang 19-year-old singer sa Cebu at ang boyfriend nito ay naging contestants din sa "Tawag ng Tanghalan", ang singing contest sa ABS-CBN noontime show na It's Showtime, kung saan si Noven ang itinanghal na kauna-unahang grand champion noong March 2017.

Sa pamamagitan ng isang mahabang post sa Facebook nitong Huwebes ng madaling-araw, July 20, naglabas ng saloobin ang boyfriend ng complainant kaugnay ng pambabatikos ng ilang netizens sa kanyang kasintahan.

Bagamat naka-public ang Facebook account ng boyfriend ng complainant, minarapat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na huwag banggitin ang pangalan o account name nito upang maprotektahan na rin ang ang pagkakakilanlan ng biktima.

Minarapat din ng PEP na huwag nang i-publish ang mismong Facebook status nito, na nakasulat sa wikang Bisaya, upang hindi ito ma-search ng ibang netizens.

Isinalin sa Tagalog ng writer na ito, na tubong-Camotes Island sa Cebu, ang Facebook post ng boyfriend ng complainant.

Sa kanyang Facebook status, sinabi ng boyfriend ng complainant na sana ay huwag munang husgahan ang kanyang girlfriend sa insidenteng kinasangkutan nito noong madaling-araw ng Sabado, July 15.

Panimula ng boyfriend, alamin muna sana ng netizens ang buong pangyayari bago sila magpakawala ng masasakit na komento.

Saad niya, “Sa mga nagmamagaling. Sa mga nagmamarunong. Sana magdasal kayo palagi nang hindi mangyari sa inyo ang ginawa ng manyak na taong ito.

“Dahil kung mangyayari 'yan sa inyo, ako ang unang mang-bash sa inyo.

"Tapos, sabihin niyo sa akin kung ano ang mararamdaman niyo, ha? Dahil nagmamarunong kayo, e.

“Hindi niyo alam ang buong pangyayari, sana tumahimik muna kayo at itikom niyo muna mga bibig niyo.”

Kasunod ito ng mga alegasyong gusto lamang daw perahan ng kanyang girlfriend si Noven.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, “Dahil kung kayo pa ang biktima at sabihan kayo ng masasama ng mga tao, sasaya ba kayo?

“Sa mga nagsasabi tungkol sa pera, ang sarap niyong pasuin sa bibig ng pisong umaapoy sa init.

“Magtitiis ba sa kahihiyan ang biktima kung pera lang ang hinahangad nito?"

May mensahe rin siya sa mga netizen na "mabait" ang pagkakakilala nila kay Noven.

Ayon sa Facebook user, “Mabait? Sa mukha lang ba nakikita ang pagiging mabait?

“Kung mabait nga, e, wala nang magagawa at nagkamali, e. Nagpaka-demonyo siya nung mga oras na yun.

“Tapos, mabait pa din?”

Walang pangalang binanggit ang nobyo ngunit mahihinuhang si Noven ang kanyang tinutukoy.

FOR FAME? Kasunod na binigyang-linaw ng nobyo ang tungkol sa paratang na gusto lamang daw sumikat ng kanyang girlfriend.

“Inggit? Ano namang kinainggitan?

“E, mas magaling pa ang biktima niya kaysa sa kanya.

“Mahirap lang siya. Ano ang magagawa natin at naging charity na, hindi na kumpetisyon ang nangyari."

Buwelta pa niya sa "Tawag ng Tanghalan champion: “Magpasalamat kang gunggong ka at merong tumanggap sa 'yo dito sa Cebu nang maayos kahit wala kang kakilala ditong demonyo ka.

“Inasikaso ka nang maayos dahil dapat ka ngang ipagmalaki na ang kabigan niya ay kilala na at may pangalan na.

“Pero, ano ang iginanti mong demonyo ka?

“Pinalabas mo lahat na kasinungalingan ang akusasyon laban sa ‘yo?

“Gamitin mo na lahat ng puwede mong gamitin.

“Makulong ka o ang Diyos na ang bahala sa ‘yo.

“Anong gagawin namin, e, mahirap lang ang biktima niya, ikaw may pera na at kilala na.”

Kahapon, July 19, ay naglabas ng statement ang ABS-CBN kung saan itinanggi ni Noven ang mga akusasyon laban sa kanya.


Stories We Are Tracking

Noven Belleza asserts innocence in sexual assault case
Noven Belleza asserts innocence in sexual assault case

TRAUMA. Ayon pa sa boyfriend ng complainant, na-trauma ang kanyang girlfriend dahil sa pangyayari.

“Hindi mo alam kung anong klaseng trauma ang naidulot mo sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sino ka ba para siraan? Hindi ka naman sikat.

“At higit sa lahat, hindi ka maayos kumanta."

Patuloy niya, “Magsasalubong din ang landas natin.

"Natuluyan ka sana sa ospital.

“Napagplanuhan na lahat ng kasinungalingan sa ospital.

“Isa lang ang sasabihin ko sa ‘yo at sa mga taong dumidepensa sa ‘yo, Diyos na ang bahala sa inyo!”

Nakausap ng PEP ang boyfriend ng complainant, sa pamamagitan ng Facebook messaging noong gabi ng Martes, July 18.

Pero naguguluhan pa raw sila sa ngayon kaya ayaw muna nilang humarap sa media.

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Noven at ng iba pang sangkot sa kasong ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN