Marc Abaya opens up about close relationship with Alessandra de Rossi

IMAGE Noel Orsal

Marc Abaya on relationship with Alessandra de Rossi: "We'll keep that between us. Okay, siya ang 'Dunya' ng buhay ko. So, if you want, I mean, to just to see our friendship, sometimes we post on Instagram. It is what it is."


Kabilang si Marc Abaya sa mga dumalo sa star-studded premiere night ng pelikulang Kita Kita nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez, na ngayon ay binansagang “Alempoy” love team.

Ginanap ito sa Cinema 7 ng TriNoMa Mall noong Martes, July 18.

Si Marc ang nagsilbing “date” ni Alessandra noong gabing iyon.

Nagpaunlak si Marc ng panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters pagkatapos ng premiere.

“Napakaganda po ng pelikula. Naiyak ako.

"Tapos, lalo na nung lumabas yung kanta ni KZ. Napakahusay ni KZ Tandingan,” ani Marc tungkol sa bersyon ng ABS-CBN singer ng theme song na “Two Less Lonely People in the World.”

Ano naman ang masasabi niya sa tambalan nina Alessandra at Empoy?

“Ang ganda talaga ng tambalan, ng chemistry nila. Kakaiba sila ni Empoy.

“Na-in love ako kay Empoy. Nakakakilig si Empoy.

"Empoy, crush na crush kita. I love you!" sabay ngisi ng Kapuso actor.

Pero paano na si Alex, ang napapabalitang kasintahan niya?

“Okay lang si Alex!” natatawang sagot ni Marc.

Open na ba sila?

“Ah, we’re good friends. Uhm... we’re very good friends,” sabi niya.

MAKING MUSIC TOGETHER. Kailan sila nagsimulang maging close?

Ayon kay Marc, dati na silang magkakilala ng aktres nang pareho pa silang nasa ABS-CBN.

Nang lumipat sila sa GMA-7, nagkaroon sila ng pagkakataong makatrabaho ang isa’t isa sa teleseryeng Ang Dalawang Mrs. Real (2014).

Ngunit mas naging malapit daw sila nang inanyayahan ni Alessandra na gumawa ng kanta si Marc.

“Nagsimula nung inimbita niya ako na maging part ng kanta niya, yung ‘Swept Away.’

“So, gumawa kami ng kanta. Siya ang nagsulat. Pinakanta lang niya ako.

“Tapos, nag-record po kami. Gumawa ng music video.

“And then, after nun, tambay na kami, very close.”

Paano sila naging “very close friends” ni Alessandra?

“Friends talaga po, bilang musikero rin siya, bilang artista at mas senyores [senior] pa sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang dami ko pong natutunan sa kanya. Tapos, about everything.

“Tamang-tama po na dumating siya sa buhay ko.”

Simula nang gumawa sila ng kanta, mag-iisang taon na raw na close friends ang dalawa.

Sabi ni Marc, “Ever since the beginning, very mabait si Alex sa akin.

“She’s always there for me.”

May naramdaman ba siya kay Alessandra noong ginagawa nila ang music video?

“Connection,” diin niya.

“That connection, napaka-raw.

"Iba-iba tayo... I mean, sa mundo, and I like it.

“I mean, luscious, very much. She’s very imperfect for me.”

LEARNING FROM ALEX. Tila hindi maubusan ng magagandang salita si Marc nang tanungin kung paano niya ide-describe ang relasyon nila ng dalaga.

“It’s, uhm... I like. Hahaha!

"Very, very… it’s wonderful. It’s lovely... ang daming words, ‘no?

“Ibig sabihin, I’ve learned so much about life with her, new things.

“Dahil nga napaka-passionate niyang tao, about her craft, as an actor, about her music.

“So, nakaka-inspire po siya. Nakakahawa po siya. Ang sarap na kasama siya.”

Isa rin daw sa mga nagustuhan ni Marc kay Alex ay ang pagiging totoo nito.

“One of the realest people in my life. Hindi siya plastik.

“Mas lalo sa industriyang ‘to, masarap maging kaibigan ang isang taong tulad ni Alessandra de Rossi—na alam mong kahit anong mangyari, hindi ka niya iiwan.”

FUTURE PLANS. Bagamat hindi pa matukoy ni Marc kung saan patungo ang relasyon nila ni Alessandra, sinabi ni Marc na seryoso sila sa kung anuman ang meron sila sa ngayon.

“Oo, seryoso talaga ‘to.

“Again, we already know each other.

"I’m 37 years old. She’s turning 32. It’s her birthday [on July 19]."

May naisip na ba siyang regalo kay Alex?

“Wala,” sambit ni Marc.

“I’ll just be there. Kami lang ng barkada niya. We’’ll be there for her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Magpa-party sa bahay niya. It’s kinda small.”

Nang muling tanungin kung sila na nga ba talaga ni Alex, sagot ni Marc, “Again, I don’t mean to be like Alex, because she’s very honest and nice.

“So, I’ll just say, we’ll keep that between us.

“Okay, siya ang ‘Dunya’ ng buhay ko.

"So, if you want, I mean, to just to see our friendship, sometimes we post on Instagram.

"It is what it is," pahiwatig ni Marc.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN