Karla Estrada denies running against Cristina Gonzales for Tacloban mayor in 2022

IMAGE Karla Estrada Instagram

Karla Estrada: "Taga-Tacloban ako, doon ako ipinanganak, doon ako lumaki, may karapatan akong umuwi, may karapatan akong tumulong, gumawa ng mga kabutihan para sa mga kababayan ko. Walang kapalit at walang kahulugan iyon, na may gusto akong tapatan na kaibigan. Hindi ganun."


Itinanggi ni Karla Estrada na may balak siyang tumakbo bilang mayor ng Tacloban City, Leyte.

May usap-usapan kasing kinukuha raw si Karla ng kalaban sa pulitika ni Tacloban City Mayor Cristina Gonzales-Romualdez para tumakbong mayor sa susunod na eleksyon.

Ito raw ang dahilan kaya may gap diumano sina Karla at Cristina.

Ngunit pagtanggi ni Karla, na tubong-Tacloban, “Not true. Not at all. Kasi walang ano yun… nakakatawa yun.”

Hindi raw siya aware na may ganoong isyu sa kanila ni Cristina, lalo na ang tungkol sa pagkuha sa kanya para kalabanin ang dating aktres sa susunod na eleksyon.

Sabi ng Magandang Buhay host, “Hindi totoo.

“Hindi ko nga alam kung saan nanggagaling yung mga ganyan-ganyang mga salita o usap-usapan.

“Siguro nakikita nila ako na nasa Tacloban…

“Siguro ngayon lang nakikita ng mga tao yung talagang ever since naman na pagtulong mo, di ba, na nakita nila talaga na talagang ganun ako.

“Pero noon pa man, ganun na talaga ako.”

Nakagawian na raw ni Karla na pumunta sa Tacloban at mamahagi ng tulong, lalo na kapag may kalamidad, tulad na lamang ng bagyong Yolanda na sumalanta sa naturang lugar noong 2013.

Kaya nga siguro may isyu na kinukuha siya ng kalaban ni Cristina para ilaban dito?

Reaksiyon ni Karla, “Walang taong puwedeng gumamit sa akin! Di ba?

“Ako lang ang puwedeng magdesisyon sa mga bagay na gusto ko.

“Hindi ako magpapagamit sa mga pangarap ng iba, di ba, ng mga plano ng iba for whatever.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Karla pagkatapos ng taping niya ng CineMo sitcom na Funny Ka, Pare Ko, sa Gerry’s Grill, sa tapat ng ABS-CBN compound, noong Lunes, July 17.

NOT ENTERING POLITICS. Kahit noon pa ay sinabi na ni Karla na wala siyang planong pasukin ang pulitika.

Saad niya, “Napakasaya ng buhay ko na nakakapagdesisyon ka, nakakapag-comment ka nang malaya, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan kasi nakakalungkot lang yung katotohanan na kapag tumulong ka, ang tingin agad ng mga tao, meron kang hidden agenda.

“Hindi na ho ganun ngayon!

“Kaya sana, bago kayo magbubukas ng isip ninyo, bago magsasalita ang bibig natin, mag-isip talaga tayo, tatanungin muna natin ang sarili natin, ‘Nakatulong ba ako?’

“Di ba? ‘Baka naman gusto lang talaga niyang tumulong?’

“Burahin na natin ‘yang mga paniniwala natin na kaya tumutulong dahil may gustong kapalit.”

Patuloy ng ina ni Daniel Padilla, “Hindi ko makakamtan itong mga blessing na ito kung ganun ang pagkatao ko, na naghihintay lang ako lagi ng kapalit sa mga pagtulung-tulong na ‘yan.

“So siyempre, taga-Tacloban ako, doon ako ipinanganak, doon ako lumaki, may karapatan akong umuwi, may karapatan akong tumulong, gumawa ng mga kabutihan para sa mga kababayan ko.

“Walang kapalit at walang kahulugan iyon, na may gusto akong tapatan na kaibigan. Hindi ganun.

“Kasi kung may mangyayari man, kami ni Kring-Kring [Cristina], magkaibigan kami.

“Handa akong tumulong para sa ikabubuti ng Tacloban through her. Di ba?

“Anytime na kailanganin niya ang tulong ko, she can call me anytime.”

Diin pa ni Karla, hindi siya magpapagamit sa kahit na sinong nais kalabanin si Cristina.

“Of course not! Ano sila, hilo?” 


Stories We Are Tracking

Cristina Gonzales dismisses issue with Karla Estrada
Cristina Gonzales dismisses issue with Karla Estrada


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN