Keanna Reeves in a relationship with 20-year-old basketball player

IMAGE Courtesy: Facebook of Keanna Reeves

Keanna Reeves on relationship with a 20-year-old basketball player: "Ready naman na siya, kasi sinabi ko na sa kanya na marami issue, kasi artista ako. Sabi niya, ready naman na daw siya kasi mahal niya ako. Medyo takot kasi di naman daw maiwasan [ang intrigahin] dahil artista naman daw talaga ako."


Masayang-masaya ang love life ngayon ng actress-comedienne na si Keanna Reeves.

Ngayong Huwebes, July 20, nag-post si Keanna sa kanyang Facebook account ng larawan niya kasama ang isang guwapong lalaki.

Wala itong caption, pero nakalagay sa status ng aktres ang “feeling loved.”

Nag-iwan ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa FB account ni Keanna upang alamin kung ang lalaking kasama niya sa larawan ay kanyang boyfriend.

Kaagad namang umamin ang Pinoy Big Brother Celebrity Edition big winner.

Sabi niya: “Ehehe! yes po...”


Sa pamamagitan ng Facebook messenger, humingi kami ng dagdag na impormasyon kay Keanna tungkol sa nagpapatibok ng kanyang puso ngayon.

Ang pangalan daw ng bago niyang nobyo ay John del Rosario, isang basketball player at nag-aaral sa Colegio de San Lorenzo sa Quezon City.

Kuwento pa ni Keanna, “Bago pa lang, basketball player sa school nila, tapos ngayon model."

Twenty years old pa lang daw ang boyfriend niya ngayon.

Si Keanna, ayon sa Wikipedia, ay 46 years old na.

Sabi pa niya, “Hindi ko tinag sa FB niya kasi alam ko sisilipin nila Facebook account niya! Hahahaha!

"Sabi ko, ‘Di na kita i-tag.'”

Paano sila nagkakilala ni John?

Kuwento ni Keanna, “Dito lang sa bar sa Quezon City.

"Matagal na kami nagkita noon, kaso may girlfriend pa siya nun.

"Tapos nagkita kami ulit, single na siya, kaya naging kami."

Gaano katagal nanligaw sa kanya ang nobyo?

Tugon niya, “Mga one week lang.

"Kasi nag-out of town ako nun, pero text-text kami araw-araw, mula morning hanggang sa pagtulog.

"Pagbalik ko, nag-date kami, tapos yun na yun, tuluy-tuloy na.”

AGE DOES NOT MATTER. Ayon pa kay Keanna, hindi naging problema sa nobyo ang agwat ng kanilang mga edad na lagpas 20 taon.

Mahal daw siya ng nobyo at paninindigan daw nito ang relasyon nila.

Saad ni Keanna, “Ready naman na siya, kasi sinabi ko na sa kanya na marami issue, kasi artista ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya, ready naman na daw siya kasi mahal niya ako.

"Medyo takot kasi di naman daw maiwasan [ang intrigahin] dahil artista naman daw talaga ako."

Dagdag pa ng komedyana, “'Babe' ang tawagan namin.”

Ang huling boyfriend na ipinakilala ni Keanna sa publiko noong 2013 ay si Kevin, na 19 years old lang noon.

Mas gusto ba talaga niya ang mga ganung edad?

“Nineteen yung dati, tapos ngayon 20 naman.

"Sila naman kasi mahilig sa akin, e!" pabirong sabi ni Keanna.

Pahabol pa niya tungkol kay John, “Last GF niya, kaedad niya lang din, kaso away sila nang away kaya ayaw na niya sa bata.

“Sabi niya, gusto daw niya matured.

"Kasi gusto niya bini-baby siya at di daw mahirap pakisamahan kasi matured na daw."

Si Keanna ay may dalawa nang anak na lalaki mula sa dati niyang relasyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN