Karla Estrada comments on sexual assault case of "Tawag ng Tanghalan" champ Noven Belleza

IMAGE Noel Orsal / Karla Estrada Instagram

Karla Estrada on sexual assault case against Noven Belleza: "Mahirap tanggapin iyon, 'no, pero tingnan muna natin, pakinggan natin kung ano yung totoong pangyayari bago tayo mag-ano."


Bilang isa sa mga hurado ng “Tawag ng Tanghalan” ng It’s Showtime, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng reaksiyon si Karla Estrada tungkol sa kasong sexual assault na kinasasangkutan ni Noven Belleza.

Si Noven ang grand champion ng unang season ng singing contest na napapanood sa noontime show ng ABS-CBN.

Isang 19-anyos na babae mula sa Cebu ang nagsampa ng kasong sexual assault laban sa singer.


Stories We Are Tracking

Noven Belleza arrested in Cebu for alleged rape
Noven Belleza arrested in Cebu for alleged rape
"Tawag ng Tanghalan" champ Noven Belleza faces rape complaint
Prosecutor downgrades Noven Belleza case to sexual assault
Prosecutor downgrades Noven Belleza case to sexual assault
Noven Belleza asserts innocence in sexual assault case
Noven Belleza asserts innocence in sexual assault case

Ayon kay Karla, “Narinig ko yung tungkol kay Noven, pero hindi ko pa kasi alam ang detalye, e, kung ano talaga yung nangyari.

“Sana maging okay ang lahat dito sa nangyayari ngayon.

“So, hintayin natin kung ano talaga yung totoong nangyari, hintayin natin yung side ni Noven, hintayin natin yung side nung kung sino man yung nagrereklamo, di ba?

“Mahirap tanggapin iyon, ‘no, pero tingnan muna natin, pakinggan natin kung ano yung totoong pangyayari bago tayo mag-ano.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Karla over dinner sa Gerry’s Grill, sa tapat ng ABS-CBN compound noong Lunes, July 17.

Ito ay pagkatapos ng taping ng Funny Ka, Pare Ko, comedy show na napapanood sa CineMo! channel ng ABS-CBN TV Plus.

YES! MOST BEAUTIFUL. Sa kabilang banda, kabilang si Karla sa YES! 100 Most Beautiful Stars of 2017, kung saan siya ang nag-iisang nakalagay sa “Queen Mother” category.

Ito ang unang pagkakataong nakasama siya sa annual list na ito ng YES! magazine.

“Tuwang-tuwa ako! Siyempre na-flatter ako na naisama ako dun sa 100 Most Beautiful.

"Pero alam ko kasing maganda na ako. Charot!” at natatawang sabi ni Karla.

“Hindi… nakaka-flatter pala na ma-recognize ka, e, recognition iyon.”

Ikinatuwa rin ni Karla na pareho sila ng anak niyang si Daniel Padilla na nasa listahan.

Si Daniel at ang ka-love team nitong si Kathryn Bernardo ang Most Beautiful Stars ngayong taon.

Sabi ni Karla tungkol dito, “Actually, iyon ang mas nakakatuwa, yun ang solid, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyon yung solid dun, yung kayong mag-ina.”

Samantala, may guest appearance si Karla sa The Revengers, official entry sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Bida rito sina sina Vice Ganda, Pia Wurtzbach, at ang anak ni Karla na si Daniel.

Gaganap dito si Karla bilang superhero na si Barna.

Tulad ni Wonder Woman sa Hollywood movie na Batman vs Superman, ipapakilala si Barna sa publiko sa The Revengers bago ang solo movie ni Karla as Barna sa 2018.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN