Jenine Desiderio uses Twitter to call out daughter Janella Salvador: "Nuknukan ng tigas ng ulo."

IMAGE Courtesy: A Love To Last on Facebook / Noel Orsal

Mukhang hindi na natiis ni Jenine Desiderio ang diumano'y katigasan ng ulo ng anak na si Janella Salvador. Idinaan ng singer-actress sa Twitter ang kanyang galit sa diumano'y hindi pagsunod ng dalaga sa dalawang simpleng patakaran niya sa kanilang bahay. 


Tila may hidwaan ngayon ang mag-inang Jenine Desiderio at Janella Salvador.

Sa Twitter, nakipagsagutan ang veteran singer-actress sa ilang followers niya na tila hindi nagustuhan ang kanyang pagtawag sa atensiyon ni Janella sa social media.

Kahapon, July 19, ay nag-post si Janine ng ganito: “Napakahirap bang magpaalam? 2 simple, basic rules hindi masunod. Kase ayaw sumunod. #nuknukanngtigasngulo #angtigasngloob."

Dito na nagsimulang magkomento ang Twitter followers ni Jenine.

Ayon sa dating Miss Saigon star, paulit-ulit kasi siyang sinusuway ng 19-anyos na anak.

Binuweltahan niya ang ibang netizens na tila pinagsasabihan siya kung ano ang dapat gawin bilang isang ina.



Pinayuhan naman ng isang netizen si Jenine na huwag isali ang Diyos sa galit niya sa anak.

Sabi naman ni Jenine, hindi kasi sila ang nakararanas ng pinagdadaanan niya ngayon. 

Iba rin daw ang problema niya sa anak kumpara sa ibang mga magulang.

Si Janella ay isa sa pinakasikat na young actresses ngayon sa bakuran ng ABS-CBN at ka-love team ng actor-rapper na si Elmo Magalona.


CALLING OUT IN PUBLIC? Payo naman ng isa pang netizen, sana ay hindi na lamang idinaan ni Jenine sa social media ang alitan nila ng anak.

Sabi naman ng ina ni Janella, tila mas magaling ang mga nagkokomento kaysa sa kanya.






STRICT MOTHER? Ayon naman sa iba, baka raw nagrerebelde si Janella dahil masyado niya itong pinaghihigpitan.



Pahayag naman ni Jenine, “Being protective is instinctive with any mother. But if all your good intentions & protective efforts are prevented...”





"WE REAP WHAT WE SOW." Sabi naman ng ilan, burahin na lang sana ni Jenine ang kanyang tweets dahil baka ma-bash pa ang anak niya.

Buwelta ng singer-actress, hindi siya aabot sa ganitong punto kung walang matinding rason.





PAULIT-ULIT? Kasunod nito, dalawa pang posts ang ibinahagi ni Jenine kung saan sinamahan niya ito ng hashtags na #paulit-ulit at #gettingtoobigforyourskin.

Samantala, wala pang reaksiyon si Janella sa patutsada sa kanya ng ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Janella ay anak ni Jenine sa singer na si Juan Miguel Salvador.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN