Ryza Cenon relates how relationship with Pocholo Barretto developed from reel to real

IMAGE Nerisa Almo

Is Pocholo Barretto "the one" for Ryza Cenon? The Kapuso actress says, "Sa mga relationship ko, lahat 'yan, sinasabi ko sa kanila na sana sila na yung last. Pero may mga nangyayari na hindi mo ine-expect na magpapahiwalay sa inyo. Pero ako, sana gusto ko na siya na nga."


Nilinaw ni Ryza Cenon na hindi pa sila magkarelasyon ni Pocholo Barretto nang gawin nila ang pelikulang Ang Manananggal Sa Unit 23B.

Sabi ng Kapuso actress, “Hindi ko po siya boyfriend noong ginagawa ko siya.

“Hindi ko naman po inakala yun. Hindi ko naman po inakalang magiging boyfriend ko siya.

“Hindi po namin plinano yun, bigla na lang nangyari.”

Para sa mga nakapanood na ng pelikula, mapapansing tila kumportable na si Ryza sa intimate scene nila ni Pocholo.

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

Ano ang ginawa ni Ryza para mawala ang ilangan sa kanila ni Pocholo nang gawin nila ang eksena?

Tugon niya, “Sa sex scene, first time din.

“Siyempre nag-text ako kay Cholo, kasi hindi ko naman siya kaanu-ano, tapos makikipag-sex ako sa kanya, parang ang pangit.

“First time ko siyang makatrabaho, so para maging kumportable rin ako sa kanya at magawa ko nang tama yung scene.

“Sinabi ko sa kanya na natatakot ako.

"Sabi lang niya, 'Huwag kang matakot.'"

Kung sakali, uulitin pa ba ni Ryza ang paggawa ng eksenang tulad ng ginawa nila ni Pocholo para sa Ang Manananggal sa Unit 23B?

Aniya, “First time ko po magkaroon ng sex scenes at saka masturbation scene dito.

“Kaya nga po sinasabi ko na dito lang po sa movie na ito gagawin yun, sa kanya lang yun.”

Pero kung hindi raw niya mahihindian ang istorya ng proyekto, sabi ni Ryza, “Siguro iibahin lang ang treatment.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ryza sa inihandang press conference para sa kanya ngayong Huwebes, July 20, kaugnay ng pagkakasali ng pelikula niya sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Unang ipinalabas ang Ang Manananggal Sa Unit 23B sa QCinema International Film Festival noong October 2016.

Muli itong ipalalabas sa Pista ng Pelikulang Pilipino sa August 16-22.

Nang malaman daw ni Pocholo na magiging bahagi ng Pista ng Pelikulang Pilipino ang pelikula nila ni Ryza, lubos daw itong natuwa para sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, proud siya. Masaya siya for me, makikita po ang mga pinaghirapan namin.”

A post shared by Ryza Cenon (@iamryzacenon) on

CHOLO IS 'THE ONE'? Samantala, kitang-kita kay Ryza ang kasiyahan tuwing napag-uusapan ang relasyon nila ni Pocholo.

Ayon sa aktres, wala silang anumang naramdamang “spark” para sa isa't isa habang ginagawa nila ang Manananggal.

Na-develop na lamang daw ito matapos nilang gawin ang pelikula.

Saad ng StarStruck alumna, “Kasi, kami, parang hindi talaga namin ine-expect.

"Parang friends lang kami, kuwentuhan, parang normal na nagkatrabaho.

“First time ko siyang nakatrabaho sa movie na 'yan. Hanggang sa 'yan, nagka-develop-an.

“Nagkaroon pa rin kami ng communication. Siguro nagkaroon lang ng pagkakaintindihan.”

Ano sa palagay niyaa ng dahilan ng pagkakamabutihan nila?

Sagot ni Ryza, “Siguro dahil magkaiba kami ng ugali, sobrang contrast kami.

“So, nagse-share lang kami sa isa't isa.

"Tapos napapansin na lang namin na every day na kaming nag-uusap hanggang madaling-araw, umaga, ayun.”

A post shared by Ryza Cenon (@iamryzacenon) on

Sa naunang panayam ng PEP kay Pocholo, sinabi nitong sana ay si Ryza na ang babae sa buhay niya.

Reaksiyon naman ng Kapuso actress, “Totoo ba? Sana.

“Naniniwala naman ako. Pero siyempre, hindi naman natin alam ang mangyayari in the future.

“Sa mga relationship ko, lahat 'yan, sinasabi ko sa kanila na sana sila na yung last.

“Pero may mga nangyayari na hindi mo ine-expect na magpapahiwalay sa inyo.

“Pero ako, sana gusto ko na siya na nga.

“At saka, ilang taon na rin ako, gusto ko rin naman siya, love ko rin naman siya, so sana siya na nga ang last.”


Stories We Are Tracking

Cholo Barretto serious about girlfriend Ryza Cenon
Cholo Barretto serious about girlfriend Ryza Cenon

A post shared by Ryza Cenon (@iamryzacenon) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN