Ken Chan speaks up about how he deals with bashers: "Papansinin mo siya, pero hindi mo papatulan."

IMAGE Rommel Gonzales

Ken Chan on using social media: "Kung ikaw mismo magpo-post ka ng mga negative o ng mga hindi magagandang bagay sa social media mo, I think magkakaroon ng mga disadvantages."


Ibinahagi ng Kapuso actor na si Ken Chan ang sa palagay niya ay mga advantage at disadvantages ng social emdia sa kanilang mga artista.

Pahayag niya, “Nakakatulong dahil madali kaming ma-reach ng mga fans namin.

“Nasusubaybayan ng mga tao kung ano yung ginagawa namin sa araw-araw, at iyon ang gusto nila.

"Dahil dun, dahil sa social media, isa na rin yung way para makapag-promote kami ng mga shows sa GMA, mga endorsements, at puwede rin kaming kumita dahil sa social media.

“Bawat post, meron katumbas na income.”

Pero para kay Ken, mayroon din itong disadvantages.

Saad niya, “Magiging disadvantage lang ang social media kung mali… kung ikaw mismo, mali ang paggamit mo.

"Pero kung tama yung mga pinu-post mo, walang negatives."

Patuloy ni Ken, “Konti lang ang disadvantage, pero kung ikaw mismo magpu-post ka ng mga negative o ng mga hindi magagandang bagay sa social media mo, I think magkakaroon ng mga disadvantages."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ken Chan sa taping ng drama anthology na Magpakailanman, sa San Juan City, noong Miyerkules, July 19.

Sa episode na pinamagatang "Our Viral Love: The Lance Fernandez and Ella Layar Story," gagampanan nina Ken at Ayra Mariano ang papel ng magkasintahang nagmahalan kahit na may kapansanan ang isa kanila.

Mapapanood ito sa GMA Network bukas, July 22.

HATERS LOVE TO HATE. Tulad ng ibang mga artista, nakararanas din ng pamba-bash si Ken.

Sa katunayan, noong May 23, nagpahayag ang Kapuso actor ng saloobin tungkol sa haters sa kanyang haters sa Facebook.

Pero ipinaliwanag ni Ken na wala siyang isang taong pinapatungkulan sa naturang post.


Stories We Are Tracking

Ken Chan posts puzzling message on Facebook
Ken Chan posts puzzling message on Facebook

“Hindi, in general naman yun,” sambit niya.

“Hindi kasi, parang, alam mo naman dito sa showbiz, maraming mga tao na gusto na hilahin ka pababa.

"Hindi kasi alam ng mga fans iyon, e.

“Yung akala nila ganun kadali, pero hindi madali ang buhay-showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko lang iparating sa kanila na dahil sa mga taong nagmamahal sa akin, pag-aalaga ng GMA, walang sinuman ang puwedeng humila sa akin pababa."

Paano niya napipigilan ang sarili na pumatol sa bashers?

Saad ni Ken, “Honestly, nakaka-offend minsan, ha? Totoo yun.

"Hindi naman ako magpapaka-plastik na sasabihin ko,  'Hindi naman po ako naasar, hindi ako napipikon.'

“Minsan below-the-belt na, masakit talaga.

"Pero hindi ko na lang pinapansin… papansinin mo siya, pero hindi mo papatulan."

Natatawang dagdag niya, “Ang ginagawa ko, nila-like ko yun!

“O kaya magsasabi ako ng salamat, ganyan-ganyan.

“Meron pa nga akong isang basher na naging fan ko dahil dun.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN