Kisses Delavin almost quit showbiz because of rift with Marco Gallo

IMAGE Noel Orsal

Kisses Delavin revealed that she almost quit showbiz when she was having a hard time working with loveteam partner and Pinoy Big Brother co-housemate Marco Gallo. "We aren't working well, kasi parang ako lang yung may bigat sa damdamin na ayoko na, bakit ba, tama na. Parang gusto ko na lang umalis. Nahihirapan nga ako noong time na yun. Kasi parang I was thinking na I just want to go back to school na lang kung ganito lang naman," she says.


Inamin ng dating Pinoy Big Brother Lucky 7 housemates na sina Kisses Delavin at Marco Gallo na hindi naging madali noong simula ang pagiging magka-love team nila.

Nagkaroon kasi ng lamat ang relasyon nilang dalawa habang nasa loob ng Bahay ni Kuya.

Nag-ugat ito nang aminin ni Kisses sa loob ng PBB house na nagkaroon siya ng pagtingin para kay Marco.

Sa press conference ng Wansapanataym: Amazing Ving, kahapon, July 20, natanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang KissMarc loveteam kung paano naging maayos ang kanilang pakikitungo sa isa't isa.

Sabi ni Kisses, "Actually, marami talagang nangyari.

"Like, paglabas kasi namin, hindi madali, e. Nagka-distance kami, hindi kami nag-uusap.

"Mag-uusap lang kami kapag kailangan na talaga kasi, yun nga, may wall na sa amin.

"Pero slowly, we opened up to each other on it na okay."

Ayon sa newbie teen actress, ang pagiging magka-love team nila ni Marco ang naging daan para magkaayos sila.

Saad niya, "Actually, thankful ako for work, kasi kung hindi talaga kami nagkaroon ng work, parang impossible na maging close kami ulit kasi sa mga nangyari.

"Kaya thankful ako for everyone giving us an opportunity, kasi nagkaroon ng chance ulit yung friendship."

SERIOUS TALK. Sa hiwalay na panayam ng PEP at iba pang reporters kay Kisses pagkatapos ng presscon proper, ikinuwento niya kung paano sila nag-usap ni Marco.

Ayon sa dalaga, bago mangyari ang kanilang pag-uusap ay madalas na naaapektuhan ang working relationship nila dahil sa sama ng loob.

Kuwento niya, "Nangyari yun sa workshop and we aren’t working well.

"Kasi parang ako lang yung may bigat sa damdamin na ayoko na, bakit ba, tama na. Parang gusto ko na lang umalis.

"Nahihirapan nga ako noong time na yun, kasi parang I was thinking na I just want to go back to school na lang kung ganito lang naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli ay napagkasunduan nilang mas unahin ang trabaho kaysa sa personal na alitan, lalo pa't aminado si Marco na gusto niyang makatulong sa kanyang pamilya.

Sabi pa raw ni Marco kay Kisses, "Kalimutan na natin, patawarin mo na ako, kung ano yung nagawa ko."

Sobrang na-touch daw si Kisses nang makitang umiyak si Marco habang humihingi ng sorry sa kanya.

Patuloy ng PBB Lucky 7 first runner-up, "I want to give him another chance sa friendship, kasi I don't want to lose him as a friend.

"Parang nag-turn around yung table.

"Kasi sa pag-uusap na yun, talagang paglabas namin ng pinto, parang, 'Trabahuhin na natin ito, i-pick-up na lang natin yung broken pieces and just start over again.'"

Laking-Italy si Marco bago siya pumunta sa Pilipinas para sumali sa PBB.

Handa rin ba si Kisses kung sakaling mag-level up ang friendship nila ni Marco?

Nakangiting sagot ng 18-year-old newbie actress, "Ako po kasi, nasa healing process pa ako, so hindi pa ako puwedeng mag-accept ng kahit anong affection sa kahit na sino.

"First, you have to win my trust again and then, of course, you need to give me reasons to keep on trusting you."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN