TV5 reporter Laila Chikadora rants against producer of morning show

IMAGE Courtesy: Laila Chikadora on Facebook

Ikinagalit ng TV5 reporter na si Laila Chikadora ang hindi paggamit ng Aksyon Sa Umaga ng kanyang ginawang voice-over para sa kanyang report tungkol sa 40th Gawad Urian. Nasayang daw ang kanyang pinaghirapan at pinagpuyatan sa coverage kaya nag-rant siya sa social media. 


Ikinagalit at ikinasama ng loob ng TV5 reporter at radio disc jockey na si Jessica Asis, o mas kilala sa tawag na Laila Chikadora, ang hindi paggamit ng kanyang report tungkol sa coverage niya ng 40th Gawad Urian.

Ginanap ang awards night sa Studio 10 ng ABS-CBN nitong Huwebes, July 20.

Isa si Laila sa nag-cover nito para sa network na pinaglilingkuran.

Bandang alas-dos ng madaling-araw ngayong Biyernes, July 21, nag-post si Laila ng isang mahabang rant sa kanyang Facebook account.

Inilahad niya rito ang saloobin nang malamang hindi na magagamit ang ginawang report, bagkus ay ipi-play na lamang ang video highlights ng awards night kasabay ng live annotations ng program host.

Hindi ito nagustuhan ni Laila dahil pinaghirapan daw niya ang kanyang coverage, bukod pa sa star-studded ang event.

Panimula niya sa kanyang Facebook post, “PASENSIYA NA PO, RANT PO ITO.  I'M TAKING THIS TO SOCIAL MEDIA KASI HINDI MARUNONG MAKINIG ANG KINAUUKULAN."

Pagkatapos nito ay ikinuwento ni Laila ang kanyang pagkadismaya na hindi magagamit ang pinagpuyatan at pinaghirapan niya.

“Katatapos ko lang po gumawa ng scripts ko for showbiz. Yes, wala na pong tulugan ito. See you later sa radyo for Morning Calls.

“Yun nga lang, manood na lang po kayo sa ibang networks ng mga winners ng 40th Gawad Urian.

“Isang prestihiyosong award giving body na idinadaos taun-taon at de-kalidad na mga artista ang mga nananalo hindi lang basta kung sinu-sino kundi yung mga deserving manalo. 

“Ngayong taon, binigay kay Vilma Santos-Recto ang pinakamataas na parangal, ang Natatanging Gawad Urian. 

“Ang malungkot na parte dito, habang umi-ere at ikini-kuwento ng reporter ang highlights ng 40th Urian sa ibang networks, ang morning show po namin, (MORNING SHOW PO HA?) mas piniling ang anchor na lang ang magbabasa. 

“SAYANG NAMAN. Ang daming magagandang nangyari sa awards night na idinaos sa studio 10 ng ABS-CBN.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

REASONS FOR SPEAKING OUT. Kasunod nito, inisa-isa ni Laila ang mga rason kung bakit idinaan niya sa social media ang kanyang reklamo:

“1) URIAN PO ITO, HINDI KUNG ANONG PUCHU-PUCHUNG AWARDS NIGHT.

“2) Nakauna na sana kayo ng VO (voice over). Fresh na fresh pang nangyari.

“3) Hindi ako Segment Producer dito, reporter niyo ako (kaya madami ang nawawalan ng gana, e.)

“4) Kebs ko sa discretion ninyo, if you think nababastusan kayo sa post ko na ito, mas una niyo akong binastos. You don’t know good showbiz stories when you see one. Tapos kapag napanood niyo sa ibang networks naghahabol naman kayo. Imbes na nakakasabay tayo. Yung sa totoo lang tayo ha?

“5) I don’t push my stories unless it’s WORTH AIRING. Di porket discretion niyo ibig sabihin tama kayo lagi. Minsan kasi.... MATUTO kayong makinig.

“6) Wag niyo idahilan na walang time, puwede naman katayin yung ibang highlights. KUNG GUSTO PO MAY PARAAN, KUNG AYAW LAGING MAY DAHILAN.

“7) Matapang ako? Opo. Dahil ipinaglalaban ko ang istorya kong may kabuluhan. Yung iba kong reporter na mga kasamahan, iniiyak na lang o kaya nagtitimpi na lang pero sorry po, hindi ako ganun.”

TEAMWORK. Umaasa si Laila na matauhan at maisip ng pamunuan ng show na pinaghirapan ng reporter ang kanilang istorya at pahalagahan naman sana ito.

Aniya, “Gayun pa man, kahit na may mga pangyayaring ganyan hangad ko na maging maganda sana ang takbo ng programa ninyo. Dahil at the end of the day, MAGKAKATEAM po tayo dito. Kaya nga siguro ako nagkakaganito dahil wala naman akong hinangad kundi MAKADAGDAG SA PAGPAPAGANDA NG PROGRAMA NIYO. Kaya lang eh, sino ba naman nga ako? Diba?”

Humingi na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag, sa pamamagitan ng Facebook messaging, mula sa executive producer ng show at sa mismong production manager ng News and Information Center ng News5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit wala pa kaming nakukuhang kasagutan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN