Kim Chiu overwhelmed by Justin Bieber's message

IMAGE Noel Orsal

Kim Chiu on rumored breakup with Xian Lim: "Natatawa na lang ako kasi siguro hindi na nila kami nakikita na magkasama. Pero ganun pa rin naman kami. Ganun pa rin, medyo busy lang siya sa concert, tapos na-busy lang din ako sa serye at sa movie."


Marami sa Justin Bieber fans ang nainggit at kinilig nang mag-iwan ng mensahe ang sikat na international singer sa Pinay actress na si Kim Chiu sa Instagram Live nito.

Hindi lang dito sa Pilipinas nabalita ang tungkol dito kundi maging sa international scene, gaya ng international magazine na InStyle at sa twitter account ng Teen Vogue.

Hindi naman maitago ni Kim ang excitement at kilig sa ginawang pagme-mensahe sa kanya ni Justin ng: "Chinita, I will see you in the Philippines."


Stories We Are Tracking

Justin Bieber to Kim Chiu: Chinita, I will see you in the PH
Justin Bieber to Kim Chiu: Chinita, I will see you in the PH
Kim noticed by New York publications due to Justin Bieber
Kim noticed by New York publications due to Justin Bieber
Cacai recalls Kim Chiu's
Cacai recalls Kim Chiu's "moment" with Justin Bieber

Pero paglilinaw ni Kim sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News, “Hindi niya ako inaya, nag-hi siya, nag-hi lang siya.

"Kasi siyempre may concert siya dito, ‘See you in the Philippines.’

“Ganun lang yun. Lumaki na lang nang lumaki, saka kung anu-ano na lang ang nalagay.

“Pero masaya ako. In-embrace ko talaga yung attention.”

Kuwento pa niya, “Wala kasi kaming magawa sa set ni Cacai [Bautista], tapos IG kami nang IG…

“IG story kami, gumagawa kami ng music video sa IG stories, tapos may nag-pop in, ‘Justin Bieber Live.’

“Sigawan kami, ‘Ay, mag-message tayo!’

“Tapos ayun, nag-message kami, 'Hello, I love you...' kung anu-ano.

“Tapos ayun, ‘See you in the Philippines’ yung last.”

Sa kabila nito, malamang daw na  hindi makakapanood si Kim ng concert ni Justin sa Pilipinas dahil may kasabay itong event na kailangan niyang puntahan.

“Kaya lang, Star Magic Ball, sabay… September 30.

“Baka Hong Kong na lang,” sabi ng Kapamilya star.

XIAN’S CONCERT. Samantala, isa si Kim sa nanood ng concert ng dati niyang ka-love team na si Xian Lim sa Solaire Resort & Casino noong July 15.

Ayon kay Kim, “Buti nahabol ko nga kasi medyo traffic.

“Nakarating ako medyo gitna na, pero at least nakapanood ako.”

Tinawag pa nga siya ni Xian sa stage at hiniling na yakapin siya nito para magkaroon ng lakas ng loob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Kim, “Oo, para daw pampalakas ng loob. Sabi ko, ‘Ano?’

“Sabi pa niya, huwag daw akong umupo sa harap kasi kakabahan daw siya pag nasa harap daw ako. Dun daw ako sa likod.

“Sabi ko, sa tabi na lang ako ng audio man.”

Hindi naman daw napanood ni Kim ang ginawang mensahe ni Xian para kay Justin Bieber.


Stories We Are Tracking

Xian Lim asks hug from Kim Chiu; gives message for Justin B
Xian Lim asks hug from Kim Chiu; gives message for Justin B

Ayon sa Kapamilya actress, “Di ko napanood yun, sabi nga nila oo daw.

“Tapos naglaru-laro sila ni Matteo [Guidicelli] sa stage kasi kanta nila, ‘Treat You Better.’”

Sa kabilang banda, pinagtatawanan lang daw ni Kim ang balitang break na sila ni Xian.

Sabi niya, “Natatawa na lang ako kasi siguro hindi na nila kami nakikita na magkasama.

"Pero ganun pa rin naman kami. 

“Ganun pa rin, medyo busy lang siya sa concert, tapos na-busy lang din ako sa serye at sa movie.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN