Jake Zyrus reveals reason behind new screen name: "Pag naririnig ko, natutuwa ako."

IMAGE Jake Zyrus Instagram

Jake Zyrus on coming out as a trans man: "Yung desisyon o yung napi-feel ko kung ano ako, sobrang bata pa ako, alam ko na 'yan. Kaya sobrang saya ko, for how many years, ngayon ko lang nagawa. I'm 25 years old… I know I'm still young pero, still, parang 25 years ang hinintay ko kaya sobrang saya."


Muling nilinaw ni Jake Zyrus na screen name lang ang pinalitan niya, hindi ang kanyang tunay na pangalan na Charmaine Clarice Relucio Pempengco.

Pahayag ng singer, “Screen name lang yun.

“If I would change my name, first and second name, not my middle name and last name—Relucio-Pempengco pa rin ‘yan.

“If ever, someday, in the future kasi, pag nag-sex reassignment ka, dun pa lang puwede na gawin yun.”

Diin pa ng dating Charice, “Yung Relucio-Pempengco, hindi na mababago yun, mahal na mahal ko yung last name ko na ‘yan.

“Jake Zyrus is just a screen name.”

Bakit Jake Zyrus ang napili niyang maging screen name?

Paliwanag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News, “Nag-make up ako ng maraming names, pinagpilian ko…

“Pero yun lang ang na-imagine ko na pag magpe-perform ako on stage, all over the world, they will shout my name.

“I know mage-gets ito ng ibang transgender people, na mayroon talagang specific name na pag narinig namin, may ganun talagang feelings.

“Siyempre, hindi sanay yung ibang tao, pero para sa akin, yun naman ang na-feel ko.

“Pag naririnig ko, natutuwa ako.”

COMING OUT. Masayang-masaya raw si Jake Zyrus ngayong unti-unti nang nagkakaroon ng katuparan ang kagustuhan niyang maging trans man.

Saad niya, “Fulfilling yung feeling talaga para magawa mo yung isa sa pinakamalaking goal mo sa buhay mo.

“I feel very inspired din, kasi alam ko na maraming tao na alam kong magkakaroon din ng lakas ng loob, na madadagdagan ang lakas ng loob nila to actually tell the world who they really are.

“Sobrang kumportable, relieved.”

Bata pa lang daw si Jake ay alam na niya sa kanyang sarili kung sino talaga siya.

“Nung bata pa lang ako, alam ko na sa sarili ko.

“Pero, yes, yung desisyon kung kailan ko papalitan yung screen name, yung ibang mga procedures na nangyari sa akin…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako naman kasi, lagi kong binibigla ang sarili ko.

“Siyempre before, hindi ko pa siya magawa.

“Napaka-sensitive kong tao, every time, everywhere, feel ko, ‘Ano ang sasabihin nila?’

“Nagkaroon lang ng moment na, ‘Stop thinking about everybody else, I should think about myself.’

“Parang isang bagsakan lang, okay na.

“Pero yung desisyon o yung napi-feel ko kung ano ako, sobrang bata pa ako, alam ko na ‘yan.

“Kaya sobrang saya ko, for how many years, ngayon ko lang nagawa.

“I’m 25 years old… I know I’m still young pero, still, parang 25 years ang hinintay ko kaya sobrang saya.”


Stories We Are Tracking

Goodbye Charice, welcome Jake Zyrus!
Goodbye Charice, welcome Jake Zyrus!
Jake Zyrus overwhelmed by positive response to new identity
Jake Zyrus overwhelmed by positive response to new identity
Jake Zyrus open to sex change
Jake Zyrus open to sex change
Jake Zyrus reveals undergoing breast removal surgery
Jake Zyrus reveals undergoing breast removal surgery

SEX REASSIGNMENT. Sumailaim na rin sa ilang procedures si Jake Zyrus para sa unti-unti niyang pagbabago.

Aniya, “Nag-i-inject ako ng male hormones for two months.

“The voice, facial hair… ngayon kasi, two months pa lang, so sa body, wala pang masyadong effect, kaunti pa lang ang nakikita ko.

“Habang nagtatagal, at yun ang gustung-gusto ko, maging part ng journey ang mga tao na makita nila talaga yung transformation.

“Kasi big deal sa akin ito, so excited ako.”

Inamin din ni Jake Zyrus na nagpatanggal na siya ng kanyang dibdib.

May balak din daw siyang magpa-sex reassignment.

“Oo, someday, but not anytime soon. Hindi naman ako nagmamadali.

“Sa akin nga, sobrang saya ko na nagawa na yung mga first steps, like yung top surgery, yung testosterone…

“Sobrang saya ko na na nangayri sa akin yun. Parang ibang tao na ako talaga.”

LOVE LIFE. Samantala, nauwi sa paghihiwalay ang ilang taon nilang relasyon ni Alyssa Quijano.

Sa kabila ng breakup nila, hindi naman daw nagsasara ng pinto si Jake Zyrus sa panibagong relasyon.

Pahayag niya, “Naku, ayokong nagsasalita ako na focus ako sa work, ganito, ganyan.

“If I fall in love, I fall in love.

“Ganun lang naman yun, ganun lang ang takbo ng buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ganun lang naman ako, kung ano ang dumating sa buhay ko, magmahal ka, sumaya ka, masaktan ka, ganun ang takbo ng buhay at ganun tayo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN