Jake Zyrus on comparison of his singing style with Charice: "Iba na talaga."

IMAGE Instagram / File

Jake Zyrus to people who miss Charice: "Like what Angeline did, if she misses Charice, she watched Charice's video. Yun lang naman ang magagawa, there's so many Charice videos. If they miss her, wala naman akong masabi, expected naman na may mga ganyang reactions na masasabi. I respect."


Nakikiusap si Jake Zyrus na itigil na ang pagkukumpara sa kanila ni Charice Pempengco, partikular na sa istilo ng pagkanta.

Jake Zyrus ang bagong screen name ng dating Charice pagkatapos nitong mag-come out bilang isang trans man.

Ayon kay Jake Zyrus, “Like, yung halimbawa sinasabi nila, ‘O, di na niya kayang bumirit…’

“Hindi natin mako-compare si Charice kay Jake, iba na talaga.

“Wala nang magiging comparison.

"Kung bibirit man, hindi na birit just like before.

“Iba na yung range, iba na lahat.

“Hindi na nila ako puwedeng i-make fun or insultuhin to post videos right there with my new range, tapos sasabihin nila hindi ko abot.

“Hindi ko talaga yun maaabot kasi pambabae na yung mga range na yun, at di ko na kaya talaga yun.

“Kung gagawin ko man yung kantang yun, ibang version na, yung range na babagay sa bagong range ng boses ko.

“I know I don’t have to explain myself, but sometimes it’s good na rin para pag kung marinig man nila, ‘A, okay.”

Patuloy niya, “Nandun pa ako sa stage na parang nagbibinata pa, nag-a-adjust pa lahat, ganyan.

“Sabi ko nga, ‘Wow, this is the only time na parang natutuwa ako pag pumipiyok ako!’

“Pero so far, pumipiyok lang ako minsan pag trip-trip ko lang kumanta.

“Pero di ako pumipiyok pag live performance talaga. Natural na siyang lumalabas sa boses ko.

“I guess, yun ang bagong nangyayari sa akin sa vocal technicality, ganyan.

“Ito yung first time ko na na-feel na may change at first time kong matuwa.

“Nakalaya ako, milestone talaga.”

 

MISSING CHARICE. Kamakailan ay nag-post ang singer si Angeline Quinto ng ilang videos nung nagkakalaban pa sila ni Charice sa amateur singing contests.

Mensahe pa ni Angeline, nami-miss niya ang dating Charice, bagamat tanggap naman niyang si Jake Zyrus na ito ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pabirong reaksiyon dito ni Jake Zyrus, “Okay lang naman kung ma-miss niya si Charice, hindi ko lang alam kung saan niya dadalawin!”

Seryoso niyang dagdag, “Normal naman, marami naman ang nag-tweet sa akin na nami-miss nila.

“Katulad niyan, like what Angeline did, if she misses Charice, she watched Charice’s video.

"Yun lang naman ang magagawa, there’s so many Charice videos.

“If they miss her, wala naman akong masabi, expected naman na may mga ganyang reactions na masasabi. I respect.”

INTERNATIONAL SCENE. Naka-penetrate na sa international scene si Jake bilang Charice Pempengco.

May plano ba siyang subukan muli ang international market ngayong Jake Zyrus na siya?

Saad ng singer, “Kahit naman nung na-discover ako nun, hindi ko naman pinili sa sarili ko na pumunta dun.

“Actually, ganun ako lagi, life in general, go with the flow lang ako, tapos ina-accept ko lang lahat ng nare-receive ko.

“Kaya nagulat ako when everything went out, hindi ko in-expect na pi-pickup-in nila.

“Thankful ako na talagang nire-recognize pa rin nila ako.”

Ang tinutukoy ni Jake ay ang paglabas ng balita tungkol sa bago niyang screen name sa international websites and publications.

Dagdag pa niya, “Happy ako kung bigyan nila ako ng opportunity, if they offer me something, open lang ako.”

Sa ngayon ay nakapag-release na ng isang kanta si Jake, ang “Hiling,” na unang pinasikat ni Jay-ar Siaboc.

Ayon kay Jake, “Yun ang gusto ko na pag magre-release ako ng song, gusto ko OPM.

“Diyan ko gusto ko mag-umpisa uli, kung saan talaga ako nagmula.

“When I recorded that song, sobrang excited ako, iba talaga!

“Finally natapos ko na siya, puwede na nilang pakinggan ito.

“We’re doing promotions for that debut album as Jake Zyrus.”

ON BASHERS. Pagdating naman sa bashers, sinabi ni Jake Zyrus na nakasanayan na niya ito at hindi na rin siya nagpapaapekto rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi na bago, how many years na ba?

“Four years ago, nung nag-come out ako, at nung time na yun, ganun din... halos ganun ang nangyari.

“It’s just ang pagkakaiba ngayon, parang mas vocal ang mga bashers ngayon, mas maingay.

“Ibang-iba talaga, kaya mas mapapansin mo yung ibang bashers.

“The thing is, again, mas vocal man sila ngayon, hindi na bago sa akin.

“Besides, I expected naman na di magiging fairytale stories that everyone will love you. Hindi naman yun mangyayari.

“In-expect ko yun na pag nag-out ako, magugustuhan ng iba, yung iba hindi.

“Kahit naman sino, may masasabi at masasabi ang ibang tao, so might as well hayaan mo na lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN