Awra Briguela dismisses rumors behind Onyok's exit from Ang Probinsyano

IMAGE Noel Orsal

Awra Briguela on Ang Probinsyano co-star Onyok Pineda: "Happy ako kasi natupad niya ang wish niya na mag-aral na siya, magpahinga muna. Happy ako sa bata kasi nakita ko na gusto niya talagang mag-aral, na nangyari na. Kaya super happy."


Ayaw nang palakihin pa ni Awra Briguela ang usap-usapan tungkol sa pagkawala ng kanyang co-star na si Simon ‘Onyok’ Pineda sa ABS-CBN primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Hindi raw totoo ang usap-usapang may problema umano ang ina ni Onyok kaya nagdesisyong tanggalin na lang ito sa teleserye na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Sabi ni Awra tungkol dito, “Nanay niya? Hindi totoo…

“At unang-una, nagsalita na rin si Kuya Coco sa TV Patrol na hindi nga totoo.

“So, nagsalita na si Kuya Coco, huwag na po nating palakihin pa ang isyu.”

Diin pa ng child star, “Ang totoo naman po talaga, gustong mag-aral ni Onyok. Hindi po sa mother niya. 

“At ako po, ayokong makisawsaw o makisali sa isyu ni Onyok.

“Ngayon po, happy na kami. Happy na parehas.

“Natupad niya ang wish niya na mag-aral. 

"At yung isyu na lumalabas kesa yung nanay niya… hindi po totoo.”

Pag-aaral daw talaga ang dahilan kung bakit tinanggal si Onyok sa Ang Probinsyano.

Sabi ni Awra, “Happy ako kasi natupad niya ang wish niya na mag-aral na siya, magpahinga muna. 

“Happy ako sa bata kasi nakita ko na gusto niya talagang mag-aral, na nangyari na. Kaya super happy.”


Stories We Are Tracking

Coco addresses rumors behind Onyok's <em>Ang Probinsyano</em> exit
Coco addresses rumors behind Onyok's Ang Probinsyano exit

Nababanggit ni Onyok sa kanya na gusto talaga nitong mag-aral?

Sagot ni Awra, “Opo, kasi nakikita ko sa set nag-aaral talaga siya.

“Sa tent namin, sa dressing room, may mga dala siyang libro.

“Gusto talaga niyang mag-aral at napakatalinong bata niya.” 

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Awra sa presscon ng pagbibidahan niyang Wansapanataym Presents Amazing Ving, na ginanap nitong Huwebes, July 20.

COCO AND VICE. Masaya rin si Awra dahil sa suporta sa kanya ng dalawa sa pinakamalaking artista ng Kapamilya network—sina Coco Martin at Vice Ganda.

Aniya, “Super happy kasi kahit na hindi magkasama sa movie, yung love na naano namin sa Parental Guardians, nandoon pa rin. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And inaano ko lang na huwag sana nilang isipin na nagkukumpitensiya sina Coco Martin at Vice Ganda—magkaibigan sila at nagmamahalan.

“Na ang tanging ano lang talaga ng dalawa, mapasaya ang mga tao. Na padoblehin pa yung saya.

“Katulad ng ginawa namin sa Parental Guardians, yung saya nun. 

“Siguro dito, kapag pinanood niyo ang Ang Panday at kay Ate Vice, aapaw talaga ang saya niyo.”

Ang tinutukoy ni Awra ay ang mga pelikula nina Coco at Vice na parehong entries sa 2017 Metro Manila Film Festival—Ang Panday at The Revengers.

Sa puso niya, wala bang kumpetisyon sina Coco at Vice?

“Wala, siyempre,” sambit ni Awra.

“Parehas ko silang nanay at tatay kaya walang kumpitensiya.”

Nabanggit din ni Awra na bago siya magpunta ng presscon kagabi, nakatanggap siya ng text message mula kay Vice.

Ano ang sabi nito sa kanya?

“Ayun, proud siya, super happy siya sa mga naaabot ko. 

“Huwag na huwag daw akong makakalimot. Palagi lang daw akong magpi-pray. 

“Kasi kapag nag-wish ka, you’re not sure na matutupad o hindi.

“Palagi ka lang mag-think positive.”

Si Coco, ano ang madalas nitong ipayo sa kanya?

“Na huwag lalaki ang ulo mo, we’re always here for you.

“Palagi kaming nandito para sa ‘yo, gagabayan kita.

“Ako ang bahala sa ‘yo, kami ni Ate Vice mo... yun talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN