Teacher Georcelle admits to having "matitigas ang ulo" celebrity students

IMAGE Glenn Regondola

Teacher Georcelle admits to having celebrity students who are "matitigas ang ulo." She adds, "Maraming ganun."


Sa unang pagkakataon ay naglabas ng libro ang pamosong dance director na si Georcelle Dapat-Sy o mas kilala bilang Teacher Georcelle.  

Ang pamagat ng kanyang libro ay The Force Within na nilimbag sa ilalim ng kumpanyang VRJ Books.

Si Teacher Georcelle ang bumuo ng sikat na dance group na G-Force na nakikitang nagpe-perform at nagba-back up sa sa iba't ibang dance shows, variety programs, at concerts.

Sa pocket presscon at launch ng kanyang libro na ginanap sa Viva office, sa Tektite Building, Ortigas, Pasig, noong July 20, ibinahagi niya sa press people ang dahilan kung bakit naisipan niyang magsulat ng libro tungkol sa kanyang buhay, on and off stage.

Aniya, "A lot of people are inspired, kuwentuhan over coffee. Nagugulat sila sa pinagdaanan ko.

"And then, pag nagulat sila, sabi ko, 'Ba't kayo gulat na gulat?'

"So I thought na some of my stories ay common, but how I deal with them, yun siguro ang [nakakagulat]."

Para sa iba, ang "teacher" ay tawag sa nakakatanda o simbolo ng isang taong may authority.

Ano ang dating ng moniker na ito sa kanya?

Sagot ng 40-year-old dance mentor, "Well kasi, ang tagal ko nang nagtuturo.

"And my students talaga call me, ‘teacher.’

"And because of it, nakasanayan na.

"I don't really mind, and I don't see it na nakakatanda or may authority.

"No, no naman."

TEACHING CELEBRITIES. Sa mahaba niyang karanasan bilang choreographer, meron na ba siyang sinukuan na artist dahil nawalan siya ng pasensiya sa pagtuturo rito?

Tugon ni Georcelle, "Tina-try ko rin ngang isipin kung meron, e. No...I'm not a quitter. So, wala, wala pa talaga."

Hindi raw problema sa kanya ang matigas na katawan kundi ang matigas na ulo ng kanyang mga students.

Dugtong niya, "Alam mo, walang problema sa parehong kaliwa ang paa. Pero ang determinasyon nila ay matindi…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, ang gi-give up sa matitigas ang ulo, maraming ganun. Pero di puwedeng gumive-up."

May pagkakataon naman daw na “tinatalakan” niya ang mga ito para lamang sumunod sa kanya.

Isa sa mga binanggit niya ay ang magaling na dancer na si Rayver Cruz. 

Ani Georcelle, "Yeah, si Rayver, alam niya 'yan.

"Yung mga Animé days, nagwo-walk out ako. Dati, nag-walk out ako sa kanila."

Ang Animé ay ang all-boys sing and dance group na inilunsad ng ABS-CBN noong 2004. Binubuo ito nina Rayver, John Wayne Sace, Emman Abeleda, Sergio Garcia, Mico Aytona, at Mhyco Aquino.

Kasunod nito ay ang pagbahagi niya ng karanasan sa iba pang artista katulad ni Maja Salvador na kilala na rin sa husay sa pagsayaw.

Pagbabalik-tanaw ni Teacher Georcelle tungkol kay Maja, "Meron, pero ngayon, pinagtatawanan na lang namin.

"Dati tinuturuan ko lang siya ng 1-8, hayan, ang tagal niyang aralin. Siguro mga dalawang oras niyang aralin.

"That time kasi, hindi pa siya marunong kumuha ng choreography."

Ginagamit ang terminong “1-8” sa dance choreography na may walong steps sa isang flow lang na pagsayaw.

Para kay Georcelle, ang pinakamadali raw turuan ay ang Mr. Pure Energy na si Gary Valenciano.

 VIRAL NADINE VIDEO. Ang isa naman sa ipinagmamalaki niya ngayong proyekto ay ang ginawa niyang dance video ni Nadine Lustre na naging viral.

Saad niya, "Yeah, that's my class.

"That's the class that I personally handled. It's called ‘White Shirt Love.’ It's a dance fitness na very sensual.

"When I did that, I created that para sa mga nanay.

"It's actually originally for moms.

"Na after kong manganak, nag-emote-emote ako nun."

Bilang isang dancer/director ngayon, hindi raw nagtatapos ang kanyang pangarap na makita lamang ang kanyang grupo na nagpi-perform on the stage.

Sinisimulan rin daw niya ngayon ang pagbuo sa “G Village,” na isang facility kung saan puwedeng gumamit ang lahat ng dance artists at mapalawak pa ang kanyang serbisyo sa larangan ng pagsayaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN