SONA director Brillante Mendoza open to constructive criticisms

IMAGE Glen Sibonga

Acclaimed director Brillante Mendoza wants to capture President Rodrigo Duterte's spontaneity as part of his directorial role in this year's State of the Nation Address scheduled for Monday, July 24: "Siguro ang gusto ko talagang ma-capture kung ano yung Presidente, e. Di ba, yung pagiging spontaneous din, yung hindi niya pagsunod sa script?"


Nakiusap sa sambayanang Pilipino ang award-winning director na si Brillante Mendoza na sana raw ay mag-focus na lang sa mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte sa inaabangang State of the Nation Adress (SONA) nito sa darating na Lunes, Hulyo 24, kaysa punahin at pansinin ang pagdidirek niya sa naturang national event.

Si Direk Brillante ang muling napili para magdirek ng SONA ng Pangulo.

Noong isang taon kasi ay pinuna ng maraming tao ang kakaibang direksyon pati ang pang-aangulo ni Direk habang nagsasalita ang Pangulo.

Kaya tinanong siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung may babaguhin ba siya sa kanyang pagdidirek sa nalalapit na SONA ng Pangulo?

“Hindi naman yung major na magbabago.

“Kasi ang pinakaimportante dito hindi naman yung direction, e.

“I think the most important here yung speech, makuha yung message ng Presidente.

“Hindi yung mga angulo ko, hindi yung direction ko,” sabi niya.

OPEN TO CONSTRUCTIVE CRITICISM. Ano ang masasabi niya na nagkaroon ng hiwalay na balita at pinag-usapan ang tungkol sa pagdidirek niya ng SONA noong isang taon?

Saad niya, “Siguro nanibago lang sila.

“Kasi nung pinanood ko naman yung mga previous SONA, talagang sobrang standard shot lang siya, as in parang nagsasalita lang siya sa ano… walang masyadong nangyayari.”

Ano ang naging reaksyon niya na nag-trending pa siya sa social media dahil dito?

Pag-amin niya, “Hindi ko nga alam na nagte-trending ako noon.

“Paglabas ko sa booth, may nagsabi sa akin, ‘Direk, yung pangalan mo nasa social media.’

“Well, sa akin kasi at least pinuna nila, pinanood nila.

“And the mere fact na it’s the most watched SONA in the history of the Philippines, napakalaking karangalan na rin iyon.

“Kahit pa sabihin mong may mga pumuna, marami rin namang pumuri, so balanse lang.

“Sa akin naman, yung criticisms I take them positively lalung-lalo na kung ang nagki-criticize e mga nirerespeto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I would take yung constructive criticisms positively. Walang isyu sa akin yun.”

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Direk Brillante sa special screening at presscon ng ika-anim na obra maestra niyang Kadaugan sa kanyang Brillante Mendoza Presents, ang monthly made for television movies na ipinapalabas sa TV5.

Pinagbibidahan nina Dionne Monsanto at Daniel Marsh, ang Brillante Mendoza Presents: Kadaugan ay mapapanood sa July 30, 10:30 pm, sa TV5.

PRO BONO. Malaking karangalan naman para kay Direk Brillante na muli siyang kinuha para magdirek ng SONA ng Pangulo.

Saad niya, “Siguro naniniwala sila doon sa kakayahan natin, kasi otherwise hindi naman nila ako kukunin ulit.

“Hindi naman sa pag-aano, pero ito I’m doing it pro bono, so wala naman akong TF [talent fee].

“Hindi naman ako binabayaran dito.”

Bakit siya pumapayag na walang bayad?

Balik-tanong niya, “Bakit ako pumapayag?

“Kasi this is not just for the President, this is for the country.

“E, kasi kung ibang director iyan, babayaran nila iyan, di ba?

“And kung mayroon mang gustong magbigay ng libreng services kahit ibang artists, I think Malacañang would’t mind it.”

So, kung next year kunin ulit siya at libre ulit ay tatanggapin niya pa rin ito?

Aniya, “Why not?

“For as long as wala akong ginagawang major at nasa Pilipinas ako, why not, di ba?

“And I enjoy doing it.

“Kasi pinapabayaan nila ako—walang bawal.

“Pag nag-require ako ng ganitong ano, binibigay nila.”

CAPTURING THE PRESIDENT'S ESSENCE. Hindi raw alam ni Direk Brillante kung ano ang magiging kabuuan ng SONA ng pangulo na ihahayag sa July 24.

Aniya, “Kinausap lang ako ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella.

“Binigyan lang ako ng idea about the speech of the President kasi hindi pa namin puwedeng makuha yung kopya, yung actual copy.

“In fact, mayroon pa kasi siyang long and short version.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, hindi pa namin alam kung ano yung gagamitin niya.”

Ano ang mae-expect sa kanya pagdating sa pag-aangulo at shots ng camera?

Sabi niya, “Siguro ang gusto ko talagang ma-capture kung ano yung Presidente, e.

“Di ba, yung pagiging spontaneous din, yung hindi niya pagsunod sa script?

“Paano pag nagmura siya, paano pag nag-bisaya siya?

“E, di shoot pa rin iyon, ipapakita pa rin iyon.

“Iyon siya e, bakit mo siya itatago?

“At saka live siya, wala kang magagawa.

“So, wala akong balak na itago kung anuman yung sasabihin niya, kung ano siya.

“Siguro mas gagawin kong more engaging by doing more close-ups, mas ganun—yung expression niya, yung sa kamay niya, sa gestures niya.”

Sa ilang beses niyang personal encounter kay Pangulong Duterte, ano na ang pagkakakilala niya sa pinakamataas na opisyal ng Pilipinas?

Ayon sa batikang direktor, “As far as I know and as far as I can see, he is a working President.

“So, hindi lang siya basta salita.

“Talagang alam mong nasa field siya, alam mong may ginagawa siya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN