Barbie Forteza refuses to reveal special guy's identity: "Nakaka-artista pag hindi inaamin!"

IMAGE Nikko Tuazon

Barbie Forteza on being asked if she has a special guy in her life now: "Basta meron. Basta meron. Merong lalaking espesyal sa aking buhay. Nakaka-artista pag hindi inaamin!"


Pitong taon nang kasali sa YES! Magazine’s 100 Most Beautiful Stars list si Barbie Forteza.

Ano ang pakiramdam niya na sa ika-7 taon ay muli siyang napasama sa naturang listahan ngayong 2017 bilang isa sa mga Network Bets.

“Naku! Feeling ko, kailangan… nape-pressure ako!

“Kailangan every year paganda ako nang paganda, di ba?” natatawa niyang pahayag.

Dose anyos pa lamang siya noong una siyang napasama sa Yes! Most Beautiful Stars.

Aniya, “Yes, sa first time.

“Akala ko nga po hindi ako kasama this year kasi hindi ako nag-photo shoot.

“Tapos, bigla akong tinext ng schedule, ganyan-ganyan.

“Sabi ko, ‘Ay! Bongga! Good luck kung anong lalabas sa picture mamaya! Hahaha!’”

What makes Barbie Forteza beautiful?

Saad niya, “Yung pagiging ano ko… true to myself?

“Na hindi ko kailangang maging dalaga-dalaga and siguro pagiging unique pagdating sa image...

“Na puwede akong magpa-sweet, puwede akong mag-heavy drama, puwede akong mag-romcom, puwede akong mag-host.

“And wala akong loveteam.”

E, lovelife? Wala rin ba o meron?

“Lovelife agad?!” at tumawa si Barbie.

Kumusta nga ba ang personal life niya?

Lahad niya, “Okay na okay naman. Sobrang ano, sobrang na-miss ko ang aking personal na buhay...

"Na after talaga ng Meant To Be, natulog talaga ako at bumalik ako sa pagwu-workout nang seryoso. Iyon.”

Bukod sa pagiging aktres ay isa si Barbie sa mga hosts ng GMA Sunday noontime variety show na Sunday PinaSaya na nagdiriwang ng ikalawang anibersaryo.

MOST BEAUTIFUL WOMEN. Dahil isa siya sa Most Beautiful ng YES! Magazine, sino naman ang para sa kanya ang tatlong pinakamagandang artistang babae sa local showbiz?

“Miss Agot Isidro.

“Nakasama ko na siya. As in yung beauty niya, classic talaga.

“Tsaka nakatrabaho ko po siya sa Paroa, sobrang fresh kahit walang make-up.

“Si Miss Marian Rivera, of course.

“Dahil… dyusko, kailangan pa ba ng dahilan para sabihing maganda si ate Marian?!?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magkasama sina Barbie at Marian sa Sunday PinaSaya at noon ay nakasama rina ni Barbie ang Primetime Queen sa Tweets For My Sweet.

“Tsaka last si… kasi ang basehan ko talaga yung pag walang make-up, e.

“Ahm, wait, I’m thinking…. Megan Young!

“Dahil siya yung image ko ng Pinay beauty.”

Dagdag-paliwanag ni Barbie, ang pagkakasunud-sunod niya sa choices niya ay one si Marian, two si Megan at three si Agot.

TOP GUWAPO GUYS. Sino naman ang tatlong pinakaguwapong male celebrities para kay Barbie?

“Mr. John Lloyd Cruz.

“Hello! Siya lang naman ang leading man na walang abs na sobra-sobrang ma-appeal, yung talagang hindi na kailangan ng abs at sobrang galing.

“Then, si Jericho Rosales. Siya naman ang gusto kong hitsura ng lalaki na moreno.

Kung number three niya si John Lloyd at number two si Jericho, ang number one sa list ni Barbie ay si…

“Dennis Trillo! Dyusko, itatanong pa ba kung bakit?!?”

Noon at hanggang ngayon ay aminado si Barbie na crush niya si Dennis.

SPECIAL GUY. Speaking of lalaki, sino ang pinakaespesyal na lalaki sa buhay ni Barbie ngayon?

“Basta meron. Basta meron.

“Merong lalaking espesyal sa aking buhay.

“Nakaka-artista pag hindi inaamin!” ngiti niya.

So, si Jak Roberto ba iyon na nali-link sa kanya?

“Nakaka-artista pag hindi umaamin,” ulit niya.

So inaamin na ba niya?

“Hindi nga!”

Ano ang ibig niyang sabihin sa statement niyang "nakaka-artista pag hindi umaamin.”

Paliwanag niya, “Oo, para may pa-mystery, ganun!”

Kailan siya aamin kung sakali?

“Hmmm... pag hindi na kayo nagtatanong,” at tumawa ang Kapuso actress.

“Feeling ko it’s about time pag hindi na kayo interesado, ganun.”

Dati naman ay hindi siya malihim.

Hirit niya, “O di ba, I learned from my mistakes!

“Dati pag masyadong maraming nakakaalam, nakakagulo.”

Pero masaya ba siya ngayon? On a scale of one to one hundred percent?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “One hundred and one percent!”

So masaya pala ang lovelife niya...

“Lovelife agad? Hindi ba puwedeng dahil lang may kalayaan na akong magbakasyon ngayon,” at tumawa si Barbie.

For the first time ay lilipad mag-isa si Barbie.

Magbabakasyon siya sa kapatid niya na nakatira sa Chicago this coming August.

“Quality time with my sister.”

Two weeks mamalagi sa U.S. si Barbie at first time niya sa Chicago.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN