Glaiza de Castro at a Chinese association event: "Anong ginagawa ko rito?"

Glaiza de Castro wants to focus on helping the youth in the field of performing arts.


Hindi ma-explain ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro ang kanyang excitement dahil muli niyang isusuot ang costume niya bilang si Pirena dahil malapit na ang pagpasok niya sa telefantasya na Mulawin Vs. Ravena.

Makakasama ni Glaiza sa paglabas sa Mulawin Vs. Ravena ay si Lira na ginagampanan ni Mikee Quintos.

“Bilang Pirena, na-excite ako ulit lumaban.

“Na-excite ako kasi ang dami kong mga kaibigan doon, e. Si Chynna [Ortaleza], si Dennis [Trillo], si Bea [Binene] at si Derrick [Monasterio]. Parang ang saya lang kasi bagong show ito na papasukan namin ni Mikee,” pahayag pa ni Glaiza sa kanyang interview sa news program na 24 Oras noong nakaraang July 20.

Dalawang buwan na nga ang nakaraan simula noong matapos ang telefantasya na Encantadia. Nagpahinga muna si Glaiza at bumiyahe bilang regalo sa kanyang sarili dahil sa halos isang taong pagtatrabaho sa naturang show.

 

AMBASSADRESS. Pagbalik niya ay sunud-sunod naman ang mga natanggap niyang parangal. Ang latest ay kinuha siya bilang Ambassadress of Goodwill ng Philippine Chinese Charitable Association Inc. (PCCAI).

Ikinatuwa ito ni Glaiza dahil mas marami siyang matutulungan, lalo na ang mga kabataan na tinutulungan ng kanyang itinatag na Glaiza de Castro Foundation (GDCF).

Pumirma ng Memorandum of Agreement si Glaiza noong nakaraang July 19, kasama ng board ng PCCAI upang maging bahagi ng kanilang mga humanitarian at charitable missions.

“Nae-excite ako talaga everytime na may collaboration ako, and this time, with PCCI.

“It was offered to me during the 140th year of their charity works. Sana mas lumawak pa yung ma-reach ng foundation [GDCF] kasi dun sa two years na yun, ang beneficiaries ay [Special Education] SPED.

“This time excited ako na mas marami pang matulungan yung GDC with the help of Philippine Chinese Charitable Association, Inc,” ngiti pa ni Glaiza.

Never daw naisip ni Glaiza na magiging ambassadress siya ng anumang asosasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Honestly, nung time na nagpunta ako sa Manila Hotel during their celebration ng 140th year, sinabi ko talaga sa sarili ko, ‘Anong ginagawa ko rito?’ Pero isa sa mga rason talaga ay ang tumulong.

“Kung tatanungin ninyo ako kung may lahi ba akong Chinese, hindi po, at ang pagtulong naman ay walang boundaries.

“So para sa akin, ang puno't dulo nito ay ang pagtulong,” diin pa niya.

Nais din daw ni Glaiza na tulungan ang mga kabataan, lalo na sa performing  arts.

“Gusto ko po talagang magkaroon ng center for performing arts since dito sa Philippines, wala siyang formal training at hindi siya masyadong nayu-utilize and I wanted it to go global,” diin pa niya.

 

SOUTH KOREA AS EXAMPLE. Ginawa pang example ni Glaiza ang South Korea na tumutulong sa maraming kabataan pagdating sa musika at sining.

“Nilu-look up ko kung paano nila naiangat yung sarili nilang bansa dahil sa K-Pop o sa Korean wave.

“Isa yun sa example ko kung paano tayo gagalaw dito. Kung kaya nila, kaya din naman natin,” pagtapos pa ni Glaiza de Castro.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN