Kate Valdez on being Angel Locsin look-alike: "Sana... huwag siyang magalit."

IMAGE Instagram

Kate Valdez says she's often mistaken as Angel Locsin.


Hindi nakakapagtaka na mapasama sa 100 Most Beautiful Stars ng YES! Magazine ang Kapuso teen actress na si Kate Valdez dahil pang-leading lady ang dating nito at dahil na rin sa mahusay niyang pagganap bilang si Mira sa GMA-7 telefantasya na Encantadia.

Inamin ng 16-year-old teen actress na malaki ang nagawa ng pagkakahawig niya sa aktres na si Angel Locsin kung bakit nakikilala na siya ng marami ngayon.

“Ilang beses na pong may nag-akala na ako si Ms. Angel Locsin.

“Nakaka-flatter po kasi, paborito ko siya noon pa at isa sa mahusay nating artista.

“Never ko pa po siyang nakikita nang personal. Pero sana, someday, kapag nag-meet kami, huwag siyang magalit na magkahawig kami,” tawa pa ni Kate nang makapanayam namin siya sa Luxent Hotel in Quezon City noong nakaraang July 11 sa event ng YES! 100 Most Beautiful Stars.

Sumali ng beauty contests at model searches si Kate bago ito gumawa ng TV commercials. Hanggang sa may magdala sa kanya sa GMA-7 at nagpa-VTR siya.

 

ALMOST GAVE UP. Ayon pa kay Kate, muntik na siyang mag-give up sa kanyang pangarap na maging artista.

“Kasi po, ilang beses akong pina-call back sa GMA. Puro mga screen test, look test. Parang feeling ko, wala namang mangyayari.

“Kaya parang nakapag-decide na ako na ayoko na. Napagod na ako sa pabalik-balik. Sa ibang field na lang ako mag-focus kasi parang malabo na maging artista ako.

“Tapos the next day, may tumawag na taga-GMA-7 at kukunin na raw nila ako bilang isang talent. Kaya pumirma na ako sa GMA Artist Center.

“Noong mangyari po iyon, nagpasalamat ako kay Lord kasi kung kelan umayaw na ako, doon Niya binigay ang matagal ko nang gusto.”

Unang naging teleserye ni Kate ay ang Destiny Rose noong 2015.

Ang biggest role na naibigay sa kanya ay bilang si Mira sa telefantasya na Encantadia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bale second teleserye ko pa lang po yung Encantadia at ang ganda ng role na binigay sa akin as Lira.

“Lahat ng pinag-aralan ko sa acting workshops, binuhos ko sa Encantadia. Worth it po ang lahat ng puyat namin dahil very successful po ang show hanggang sa matapos ito,” ngiti pa niya.

 

HOME STUDY. Ngayon ay wala pang bagong teleserye si Kate, pero sunud-sunod ang guestings niya sa TV at photo shoots para sa mga glossy magazines.

Hindi rin pinapabayaan ni Kate ang kanyang pag-aaral sa Ramon Magsaysay High School in Quezon City kunsaan nasa Grade 10 na siya.

“Naka-home study po ako ngayon kasi paiba-iba ang schedules ko sa trabaho.

“Tulad po noong may Encantadia pa, three to four times a week ang taping namin. Ngayon may mga schedules ng workshop at pictorials. Very strict pa naman yung school ko sa attendance.

“Kaya okey na ako sa home study. Pinapadalhan po nila ako ng modules at kapag exams po, I take it online.”

 

MISSES SCHOOL GIRL LIFE. Nami-miss din daw ni Kate ang maging isang normal na school girl.

“Minsan nami-miss ko rin po ang pumasok sa school. Yung naka-uniform ako at kasama ko mga classmates ko.

“Kapag hindi na masyadong hectic sa work, gusto kong um-attend ng regular classes at maging school girl ulit ako,” tawa pa niya.

Pagdating ng college, balak ni Kate na kumuha ng course na Tourism or Foreign Service.

“Interesado po ako sa traveling. Gusto ko someday maging ambassador ako or maging cultural attaché. Gusto ko ring pag-aralan ang iba’t ibang languages,” pagtapos pa ni Kate Valdez.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN