Jay Arcilla on rivalry with Dave Bornea: "Si Dave po kasi, guwaping siya, e."

IMAGE Noel Orsal

"Ako raw kasi, pang-bad boy daw ang tipo ko. Yung pangkontrabida, yung parating maangas. Kaya magkaiba talaga kami ni Dave kung roles din lang ang pag-uusapan," says Jay Arcilla when compared with Dave Bornea.


Pinagtatawanan na lang ng Kapuso hunk na si Jay Arcilla ang balitang may namumuong rivalry sa pagitan nila ng ka-batch niya sa StarStruck 6 na si Dave Bornea.

Umabot ng Top 6 si Jay at second runner-up ito sa naturang reality artista-search ng GMA-7, samantalang si Dave ay hindi nakapasok sa Top 14.

Pero si Dave ang nabibigyan ng maraming projects sa GMA-7. Na-cast ito agad last year sa Alyas Robin Hood at napasama pa siya sa Meant To Be. Ngayon ay kasama ulit si Dave sa pagbabalik ng Alyas Robin Hood para sa book 2 nito.

Si Jay naman ay never pa raw nagkaroon ng regular na teleserye at puro guesting lang siya sa Little Nanay, URL: Usapang Real Love, at Dear Uge.

Nag-deny si Jay na may rivalry sila ni Dave at naniniwala ito na binabagayan daw kasi sila ng role sa mga teleserye.

“Si Dave po kasi, guwaping siya, e. Kaya bagay sa kanya ang magkaroon ng love team at sa mga romcom na teleserye.

“Ako raw kasi, pang-bad boy daw ang tipo ko. Yung pangkontrabida, yung parating maangas. Kaya magkaiba talaga kami ni Dave kung roles din lang ang pag-uusapan,” pahayag pa ni Jay nang makapanayam namin siya sa set ng Dear Uge sa Masambong, Quezon City noong nakaraang July 11.

Wala raw issue kay Jay kung mas maraming trabaho na nabibigay kay Dave. Never daw siyang nakaramdam ng inggit sa katawan.

“Sa totoo lang, happy ako na maraming trabaho si Dave, kasi deserve naman niya.

“Masipag kasi si Dave. ‘Tsaka very independent siya.

“Yung family kasi niya nasa Cebu at mag-isa lang siya rito sa Manila. Tumutulong siya sa pamilya niya roon,” diin ni Jay.

Magkapatid nga raw ang turingan nila ni Dave dahil magkasama rin sila sa boyband ng GMA-7 na One Up.

“Magkakapatid kaming lahat sa One Up. Regular kaming napapanood sa Celebrity Bluff at paminsan-minsan sa Unang Hirit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon kasi, endorser ang One Up ng Boardwalk. Kaya magkakasama kaming nagmo-mall show sa iba’t ibang cities nationwide. Makikita naman nila ang magandang samahan namin sa mga Instagram accounts namin."

Pinagdarasal din ni Jay na balang-araw ay maging regular din siya sa isang primetime teleserye.

“Lahat naman kaming mga baguhan sa GMA Artist Center, yun ang gustong mangyari. Pero happy ako na hindi ako nawawalan ng guestings.

“Halos every week naman, may raket kami ng One Up kaya I’m very thankful sa mga blessings na dumarating,” pagtapos pa ni Jay Arcilla.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN