Is Ruru Madrid courting Maureen Wroblewitz?

IMAGE Instagram

"E feeling ko po yung mga ganung tipo ng babae medyo mahirap din. Kasi sobrang busy, e," says Ruru Madrid about Asia's Next Top Model 2017 winner Maureen Wroblewitz.


Nilinaw ni Ruru Madrid ang balitang nililigawan niya si Maureen Wroblewitz na winner ng Asia’s Next Top Model.

Nagkita ang dalawa sa GMA at nagpakuha ng litrato si Ruru kay Maureen.

 “Ligaw?” at napangiti si Ruru.

“Hindi, sobrang crush ko and ano naman po nag-uusap naman po kami.”

Nagpalitan na ba sila ng cellphone number?

“Nag-uusap naman po kami through Instagram.

“Like nag-post siya, sabi ko ang sarap ng mga pinost niya. Yung mga food na pinost niya, masarap.”

Wala naman yatang boyfriend si Maureen kaya puwede niyang ligawan.

“E feeling ko po yung mga ganung tipo ng babae medyo mahirap din. Kasi sobrang busy, e.

“I’m sure right now she’s focusing on her modeling career, pero yun nga, sabi niya nga parang one year lang daw na mag-focus siyang ganun and why not kung darating daw yung araw na papasok siya sa showbiz.

“Gusto niya rin, e.”

Nakausap namin si Ruru sa YES! Magazine’s 100 Most Beautiful Stars event sa Luxent Hotel sa Quezon City, Martes ng gabi, July 11.

 

NOT JUST GABBI. Sa ngayon na inihiwalay na si Ruru sa kanyang ka-love team na si Gabbi Garcia, sino naman sa tingin niya ang bagay niyang leading lady sa mga next projects niya?

 “Maureen? Hindi, joke lang.

“Hindi, ako yun nga po, parang right now mas gusto ko kung hindi rin lang si Gab or kung hindi rin lang yung  mga nakatrabaho ko…”

Bakit naman kung may iba pa na puwedeng ipareha sa kanya tulad ni Arra San Agustin?

“Hindi, kung hindi rin lang yung mga nakatrabaho ko like Gab, Arra, Kylie [Padilla], sino pa ba?

“Masaya kasi yung mga naka-work mo na dahil mas  ano…

“Pero ako naman kasi kahit naman po sino ang i-pair sa akin okey lang, e. Ano ako, e… Parang, magaling akong makisama, so kahit sino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero right now mas gusto ko po talaga na solo, ‘di ba? Para mas okey rin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN