Brillante Mendoza, Lav Diaz make history as first Pinoy members of Academy

IMAGE File / Facebook

Globally-acclaimed director Brillante Mendoza and equally-renowned Pinoy filmmaker Lav Diaz are among the 774 new members of the Academy of Motion Picture Arts and Sciences. Hailing from 57 countries, the new members bring the organization's Class of 2017 to a total of approximately 8,500 members. The organization has gained prestige for its annual Oscar Awards.


Malaking karangalan para sa award-winning director na si Brillante Mendoza na mapabilang siya at isa pang Filipino filmmaker na si Lav Diaz sa mga bagong miyembro ng Academy of Motion Pictures Arts and Sciences, ang prestihiyosong organization na namimigay ng Oscar Awards.

Kabilang sina Brillante at Lav sa mahigit 700 na mga bagong miyembro mula sa 57 countries na tinaguriang The Academy’s Class of 2017.

Sila ang unang dalawang Pinoy na nakagawa ng ganitong kasaysayan para sa Pilipinas.

“Siyempre unang-una, natuwa ako kasi kumbaga mayroon nang representation ang Pilipinas doon.

“At the same time, hindi na ako dapat ma-surprise kasi ang Pilipinas, we used to be the number three in the entire world in producing films—America, India, and then the Philippines.

“Kasi before, we used to produce over 300 films every year.

“Hindi rin talaga nakakapagtaka, kaya lang ang sabi ko nga medyo late na, e.

“Di ba dapat nabigyan na niyan sina Lino Brocka before, yung ibang mga filmmakers na-invite na sila?

“Pero this is a great honor para sa amin ni Lav,” sabi ni Direk Brillante.

Hindi nga raw makapaniwala si Direk noong una nang makatanggap siya ng e-mail na nag-iimbita sa kanya para maging miyembro ng The Academy.

Kuwento niya, “Nakatanggap lang ako ng e-mail.

“Akala ko nga noong una spam, e.

“Sabi ko, ‘Ano ito? Spam?’ pagtingin kong ganun.

“Hindi ko alam kung seryoso ito.

“Nalaman ko na lang na totoo kasi nagulat pa ako dahil nauna pa sa social media, e.

“In-announce na yata sa ibang ano e… bago ko natanggap yung e-mail.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Brillante sa special screening at presscon ng ika-anim na obra maestra niyang Kadaugan para sa kanyang Brillante Mendoza Presents, ang monthly made for television movies na ipinapalabas sa TV5.

Ginanap ang event noong July 20 sa SM Megamall Director’s Club.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa invited press people, dumalo rin sa screening ang ilang executives mula sa TV5 at SM.

Present din ang dalawa sa cast members ng Kadaugan na sina Suzette Ranillo at Matt Daclan.

THANKFUL TO TV5 AND SM. Speaking of Brillante Mendoza Presents: Kadaugan, malaki ang pasasalamat ni Direk Brillante sa TV5 at SM sa suportang ibinibigay ng mga ito para mai-showcase ang kanyang mga obra maestra at istilo ng pagdidirek sa naturang monthly specials.

Unang pinasalamatan ni Direk Brillante ang TV5 sa pagkuha sa kanya at pagbibigay ng oportunidad para makagawa siya ng monthly specials.

“TV5 gave me this opportunity kaya sobrang napaka-grateful ko.

“I think no other network will ever do this kind of endeavor.

“Because I’m given full creative freedom.

“Kumbaga hindi sila nakikialam sa istorya, sa casting.

“Na-appreciate ko yung tiwalang ibinibigay nila sa akin,” ani Direk.

Sumunod namang niyang pinasalamatan ang SM, na aniya’y matagal nang sumusuporta sa kanyang mga proyekto.

Patuloy niya, “We’re very thankful to SM.

“This is not the first.

“Actually, marami kaming activity with SM before through Ms. Millie Dizon.

“Mga seven years ago pa, we started doing film appreciation, film screenings in different schools and universities all over the Philippines and our audience are mainly students from different schools.

“We’re very thankful, kasi parang community service na rin ito ng SM, at the same nae-educate yung mga manonood about alternative films.

“Karamihan kasi ng napapanood natin ay mainstream, exposed tayo sa mainstream films.

“But with this kind of films, like itong ginagawa natin with TV5, at least nagkakaroon sila ng alternative viewing.

“We’re very glad that SM is on the same line sa advocacy natin.”

Tampok sa Brillante Mendoza Presents: Kadaugan ang makulay na pagdiriwang ng Piyesta ng Kadaugan sa Mactan, Cebu.

Ito ay kuwento ng isang babae at ng puso nitong dumaan sa napakaraming pighati at pagsubok sa buhay at sa pag-ibig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod kina Suzette at Matt na dumalo sa special screening, ang cast na pawang binubuo ng Visayan actors ay kinabibilangan din nina Dionne Monsanto, Daniel Marsh, Gloria Sevilla, Keanna Reeves, Albert Chan Paran, at iba pang local artists sa Cebu.

Mapapanood ang Brillante Mendoza Presents: Kadaugan sa July 30, 10:30 pm, sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN