Did LJ Reyes invite Paulo Avelino to son Ethan Aki's 7th birthday party?

IMAGE Rose Garcia

Asked if she invited Paulo Avelino to their son Aki's 7th birthday party, LJ Reyes said: "Basta ang sa akin, lahat ng nagmamahal kay Aki, nandito. Lahat ng malapit sa puso ni Aki, nandito."


Kahapon, July 22, ay ipinagdiwang ang ika-7 birthday ni Ethan Akio, anak ni LJ Reyes at Paulo Avelino.

Dahil sa hilig ni Aki sa mga superheroes, nagplano ang kanyang inang si LJ Reyes ng isang Batman-inspired party.

Ito ay ginanap sa Blue Leaf Cosmopolitan sa Libis, Quezon City, at kabilang sa mga bisita ay ang mga miyembro ng pamilya ni LJ, mga kaibigan, at ang mga kaklase ni Aki sa grade school.

Read: LJ Reyes's son Ethan Akio celebrates 7th birthday with Batman-themed party

Nakakatuwang pagmasdan si Aki na talaga namang feel na feel ang kanyang pagsuot ng Batman costume. Pati na rin ang cake niya ay may Batman figurine.

Naroon din ang boyfriend ni LJ na si Paolo Contis, na masugid na nag-asikaso sa mga bisita at tumulong kay LJ para sa mga preparasyon para sa party.

Ganunpaman, marami ang nagtaka kung magiging bahagi ng selebrasyon ang tatay ni Aki na si Paulo Avelino.

Dahil dito, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si LJ kung inimbita niya si Paulo.

Paglinaw ni LJ, “Basta ang sa akin, lahat ng nagmamahal kay Aki, nandito.

“Lahat ng malapit sa puso ni Aki, nandito.”

NO-SHOW. Hindi nakarating si Paulo sa party ni Aki.

Inaasahan ba ni LJ na darating ang daddy ng anak sa party nito?

Ang naging sagot lang niya, “Sa totoo lang, in a general sense, wala naman talaga akong ine-expect from him.

“Okey naman kami ni Aki.

“I think napaparamdam ko naman sa kanya ang love ng isang magulang.

“Yung love na kailangan niya, yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN