Jeric Raval and Monica Herrera's youngest daughter joins showbiz

IMAGE Glenn Regondola

Janina Raval, youngest daughter of Jeric Raval with Monica Herrera, has signed a managerial contract with Viva Artists Agency. Janina says her parents serve as her inspiration in joining showbiz. "Kasi nakita ko rin sa kanila na kahit paano ay naging successful ang life nila sa pagsu-showbiz nila."


Pumirma ng limang taong managerial contract ang baguhang artista na si Janina Raval sa Viva Artists Agency, sa Viva office, Ortigas City, noong July 20.

Si Janina ay bunsong anak ng action star na si Jeric Raval sa dating aktres na si Monica Herrera.

Bata pa raw siya ay pangarap na niyang maging isang artista kaya sinubukan niyang sumali noon sa StarStruck, ang artista search ng GMA Network, pero hindi siya pinalad mapili.

Paano ba nagsimula ang pagkahilig ni Janina sa showbiz, although obvious naman dahil parehong taga-showbiz ang kanyang mga magulang?

Pahayag niya sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I started when I was fifteen [years old].

“Nag-try akong mag-audition sa StarStruck, pero yun nga, hindi ako nakuha. Siguro nga in God's time.

“Sila [her parents] na rin ang inspirasyon ko para mag-showbiz ako.

“Kasi nakita ko rin sa kanila na kahit paano ay naging successful ang life nila sa pagsu-showbiz nila.”

Patuloy niya, “I really love singing, but I also love acting, of course.

“I prefer acting. Although kumakanta din po ako, pero mas gusto ko talagang maging artista.”

JANINA’S PARENTS. Ano naman ang naging reaksiyon nina Jeric at Monica nang magdesisyon siyang pumasok sa pag-aartista?

Ayon sa newbie actress, “My mom... she's proud kasi sinusundan ko ang steps ng parents ko.

“Yung bilin niya sa akin, katulad rin ng bilin ng dad ko, is to focus lang talaga.

“And, of course, huwag pabayaan ang pag-aaral.

“Kasi first year college po ako ngayon, taking up Hotel and Restaurant Management, sa Trinity College of Asia.

“Si Dad ko, siya ang nagpu-push sa akin, basta huwag nga lang daw pabayaan ang sarili at huwag lalaki ang ulo.”

Si Jeric Raval daw talaga ang idol niya sa mga artista.

Giit ni Janina, “Yeah, si Dad talaga ang idol ko, kasi gusto rin po talaga ang action.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Since I do parkour, kaya gusto ko talaga action.

“Siguro dahil na rin nga dun kaya naano talaga sa akin, na gusto ko action.”

Ayon sa Wikipedia, ang parkour ay isang uri ng training discipline na gamit ang mga movements na nadi-develop muia sa military obstracles  course training.

SHOWBIZ CRUSH. Sa puntong ito ay napag-usapan naman ang tungkol sa kanyang showbiz crush.

Nakangiting sabi ni Janina, “Si Coco Martin talaga.

“He's cute, e. He's super cute.

“Like my mom, mahilig po sa mga petite.

“Kasi may hot po tingnan.

“At saka, the way he smiles, ang ganda niyang ngumiti.”

Hindi na raw niya nami-meet ang kanyang crush at wala siyang chance na dumalaw sa FPJ's Ang Probinsyano noong nagti-taping ang kanyang ama rito.

Pero sana nga raw ay isama siya ni Jeric sa shooting ng Ang Panday, na kasalukuyang idinidirek ni Coco para sa 2017 Metro Manila Film Festival.

WHY VIVA? Binanggit ni Janina ang mga dahilan kung bakit sa Viva Artists Agency siya nagpakontrata.

Saad niya, “Since nandito din po ang dad ko, so mas malaki ang chance na puwede talaga akong mag-Viva.

“Alam ko naman na mapapangalagaan nila ang career ko, katulad ng nangyayari ngayon sa dad ko who's very satisfied sa career niya ngayon.

“So I decided na, why not nga dito na rin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN