Kakai Bautista: "Friendzone. Bitter. Panget. I'm used to it and I am not mad at all."

IMAGE Bernie Franco

Was Kakai Bautista "assuming" that she and Ahron Villena had a relationship in the past? Read Cacai's response. 


Ipinagkikibit-balikat lamang ni Kakai Bautista ang akusasyon ng ilang netizens na "assuming" siya at pagtawag sa kanya ng iba pang masasakit na salita kaugnay ng isyu nila ng aktor na si Ahron Villena.

Sina Kakai at Ahron ay dating malapit na magkaibigan at na-link din romantically sa isa't isa.

Tweet ng singer-comedienne nitong Linggo, July 23: “Friendzone. Bitter. Panget.- I'm used to it and I am not mad at all. I am grateful that people see me as a human being – IMPERFECT.”

Sabi pa ni Kakai, walang perkpektong nilalang kaya’t dapat ay mahalin din kahit ang mga kapintasan.

Isang netizen naman ang nag-tweet ng “Define assuming.”

Sagot naman ni Kakai  tinatawanan na lang niya ito dahil lahat daw ng tao ay nag-a-assume.

“Everyday, we assume and anticipate. SO, WAG AKO,” dugtong pa ng mensahe niya.

Nagpasalamat din ang singer-comedienne sa mga nagpakita ng suporta sa kanya sa social media. 

Nitong July 18 nang sabihin ni Kakai sa isang interview na nagkabati na sila ni Ahron at tanggap niya kung anuman ang aktor.

Halatang hindi naman ito nagustuhan ni Ahron at nag-react ito via Twitter noong July 20.

Mensahe ni Ahron sa dating malapit na kaibigan, “Ano ba ang alam mo sa pagkatao ko? Naging tayo ba? Ako ang alam ko NEVER naging tayo.”


Stories We Are Tracking

Old flames Kakai Bautista, Ahron Villena bury the hatchet
Old flames Kakai Bautista, Ahron Villena bury the hatchet
Ahron Villena to Kakai Bautista:
Ahron Villena to Kakai Bautista: "Naging tayo ba?"

Nitong Sabado, July 22, muling nag-post ng isang mahabang mensahe si Ahron sa Facebook kaugnay ng isyu.

Ipinagtanggol niya ang sarili at nagpaliwanag sa kanyang masanghang na tweet tungkol kay Kakai.


Stories We Are Tracking

Ahron Villena apologizes for
Ahron Villena apologizes for "NEVER naging tayo" statement


ABOUT THE AUTHOR

Writer at heart. Follow me on Twitter @tweetieberns


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN