Paolo Contis to LJ Reyes's son: "I will always have your back no matter what."

IMAGE Instagram (@paolo_contis)

Apart from a touching birthday message, Paolo Contis posted five photos of him and LJ Reyes's son Aki, showing how bonded they are. 


Isang sweet birthday message ang ipinost ni Paolo Contis para kay Ethan Akio, anak ng girlfriend ng aktor na si LJ Reyes, ngayong Lunes, July 24.

Si Akio ay anak ni LJ sa dati nitong boyfriend na si Paulo Avelino.

Bahagi ng mensahe ng Kapuso actor para sa 7-anyos na anak ni LJ, maging “good boy” ito sa kanyang ina.

Pangako rin ni Paolo sa bata, "I will always have your back no matter what."

Sabi pa ng Impostora actor, "I love you big boy!!"

Kalakip ng post ni Paolo ang limang bonding photos nila ni Akio, kung saan lahat ay nasa aktong natutulog ang anak ni LJ.

Biro ng aktor sa caption: "Ang saya saya natin sa pics noh?? Sobrang enjoy kang kasama ako!!"

Comment naman ni LJ sa post ng boyfriend, na may halong biro, “Sobrang enjoy siya noh???”


A post shared by Paolo Contis (@paolo_contis) on

Nagkaroon ng birthday celebration si Akio, sa pamamagitan ng isang Batman-inspired party, sa Libis, Quezon City, kahapon, July 23.

Hindi nakarating sa party ang ama ni Akio na si Paulo.

Nang tanungin kung bakit hindi nakapunta ang ama ng kanyang anak, makahulugang sagot ni LJ, “Lahat ng malapit sa puso ni Aki, nandito.

“I think napaparamdam ko naman sa kanya ang love ng isang magulang.

“Yung love na kailangan niya, yun.”


Stories We Are Tracking

Did LJ Reyes invite Paulo Avelino to son's birthday party?
Did LJ Reyes invite Paulo Avelino to son's birthday party?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN