President Rodrigo Duterte claims Rappler is owned by Americans

President Rodrigo Duterte claims Rappler is owned by Americans: "Have you tried to pierce your identity? And I would lead you to America. Do you know that?"


Tulad ng inaasahan, ilang ulit na lumihis si Pangulong Rodrigo Duterte sa inihandang talumpati para sa kanyang ikalawang State of the Nation Address, ngayong Lunes, July 24.

Isa sa mga pagkakataong nalihis siya sa kanyang talumpati ay nang tirahin niya ang media organizations na pag-aari diumano ng mga dayuhan.

Habang binabalaan ang mining companies na kailangan nilang managot sa pagkasira ng kalikasan dahil sa pagmimina, sinabi ni Duterte na may media organizations na maaaring nilabag ang 1987 Philippine Constitution.

Ito ay dahil ang kanilang kumpanya umano ay pag-aari ng mga Amerikano.

Ani Duterte, “E, mayor ako, I can look at your corporate earnings, your sister company, I can pierce the corporate identity, kayo rin pala. Ang hilig niyo, mga newspaper.

“When you are not supposed to, ano, maging newspaper ka, you are supposed to be 100-percent Filipino.

“And yet, when you start to pierce their identity, it is pala fully owned by Americans. Ganun ang nangyari.”

Kasunod nito ay tinukoy ni Pangulong Duterte ang online newspaper na Rappler, na aniya'y pag-aari ng mga Amerikano.

Saad niya, “It’s a matter of piercing the... So, wala masyado akong... ABS, o Rappler, kayo ba ‘yan?

“Have you tried to pierce your identity? And I would lead you to America. Do you know that?

“And yet the Constitution requires you to be 100 percent media, Filipino.

“Rappler tried to pierce the identity, and you will end up American ownership.”

Ayon sa Article 16, Section 11 ng Philippine Constitution, “The ownership and management of mass media shall be limited to citizens of the Philippines.”

Samantala, nilinaw na noon ng Rappler na “100% Filipino-owned” ang kanilang news organization.

Mayroon lamang daw silang ilang foreign partners na nag-i-invest sa kanilang kumpanya sa pamamagitan ng Philippine Depositary Receipts (PDRs).

Ngunit diin ng Rappler, “Their involvement is limited to potential commercial benefits.

“They neither get voting rights on the Board nor have a say in the management or day-to-day operations of the company.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa Rappler, ilang ulit na ring tinira ni Pangulong Duterte sa kanyang mga nakaraang talumpati ang ABS-CBN at Philippine Daily Inquirer, na aniya'y naglalabas ng fake news tungkol sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN