Why is Jak Roberto hesitant to court Barbie Forteza?

IMAGE Noel Orsal

Jak Roberto on why he's not yet ready to court Barbie Forteza: "Ayaw ko kasing dumating sa ganun, yung magkaroon ng awkwardness.


Ikinatutuwa ni Jak Roberto ang pagkakamabutihan nila ngayon ng Meant To Be co-star niyang si Barbie Forteza.

Hindi itinanggi ng Kapuso hunk na madalas silang lumabas ngayon ng dalaga.

Pero palagi naman daw silang may ibang kasama tuwing lumalabas.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Jak sa set visit para sa Sunday PinaSaya noong Linggo, July 23.

Dito ay diretsahan siyang tinanong ng entertainment columnist na si Nitz Miralles: “Kumusta na kayo ng girlfriend mo?”

Ikinagulat ito ni Jak kaya natatawang sagot niya, “Wala pang girlfriend na nangyayari. Tanungin niyo po siya.”

Ayon sa binatang aktor, gusto niyang panatilihin kung anuman ang estado ng relasyon nila ngayon ni Barbie.

“Ayaw ko kasing dumating sa ganun, yung magkaroon ng awkwardness.

"Mas close po kami ngayon, mas close po kami ngayon, promise."

Pero hindi naman daw niya isinasara ang posibilidad na mag-level up pa ang kanilang pagkakamabutihan.

Ani Jak, “Sa totoo lang, ayaw kong gawin ngayon [ang panliligaw] kasi okay kami, e.

“Okay ang closeness ko sa kanya at sa family niya.

“At saka, di ba, may kasabihan na okay na yung magkaibigan na lang kayo kaysa yung niligawan mo, naging kayo, tapos nagkaroon ng ending?

“I mean, kung close kayo ngayon, parang wala kayong commitment sa isa't isa, mas okay ang samahan.

“Walang nagdidikta o nagsasabi, mas masaya kami ng ganun, e.

“Sayang naman, kasi ngayon lang kami talaga naging close. Dati, hi-hello lang, e.”

Dagdag pa ni Jak, “Siguro ganito na lang muna, pero hindi ko naman isinasara.”


Stories We Are Tracking

Is Barbie Forteza being courted by Jak Roberto?
Is Barbie Forteza being courted by Jak Roberto?
Barbie Forteza refuses to reveal special guy's identity
Barbie Forteza refuses to reveal special guy's identity


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN