Paulo Avelino on absence at son's birthday party: "I'm not invited."

IMAGE Noel Orsal

Hindi pa makapagbigay si Paulo Avelino ng dahilan kung bakit hindi siya inimbita ni LJ Reyes sa 7th birthday party ng kanilang anak na si Ethan Akio nitong nakaraang linggo. Pero nagpadala naman daw siya ng regalo para sa anak.


Halatang pilit pinipigilan ni Paulo Avelino ang emosyon nang matanong tungkol sa hindi niya pagdalo sa 7th birthday celebration ng anak na si Ethan Akio.

Si Aki ay anak ng Kapamilya actor sa dating kasintahang si LJ Reyes.

Ginanap ang Batman-inspired 7th birthday celebration ni Aki sa Blue Leaf Cosmopolitan, sa Libis, Quezon City, noong Sabado, July 22.

Dinaluhan ito ng mga miyembro ng pamilya ni LJ, mga kaibigan, mga kaklase ni Aki, at ng boyfriend ng aktres na si Paolo Contis.


Stories We Are Tracking

Did LJ Reyes invite Paulo Avelino to son's birthday party?
Did LJ Reyes invite Paulo Avelino to son's birthday party?
Ethan Akio celebrates 7th birthday with Batman-themed party
Ethan Akio celebrates 7th birthday with Batman-themed party

Paglilinaw ni Paulo tungkol sa hindi niya pagdalo sa kaarawan ng anak, “Hindi ako invited. Hindi ako invited, yun lang.”

Pero nagpadala naman daw siya ng regalo sa anak.

PAST AND PRESENT. Samantala, umamin na si Paulo na may bago siyang girlfriend—ang Filipino-Australian model na si Jodie Elizabeth Tarasek.

Sa eksklsusibong panayam ng PEP sa Kapamilya actor, diretso niyang sinabing masaya siya ngayon sa piling ng kanyang bagong nobya.


Stories We Are Tracking

Paulo Avelino confirms relationship with Fil-Aussie model
Paulo Avelino confirms relationship with Fil-Aussie model

Pero bago sila naging item ni Jodie, naging usap-usapan din ang closeness ni Paulo sa model-entrepreneur na si Natasha Villaroman.

Ano ba ang nangyari sa kanila at hindi sila nagkatuluyan?

Sagot ni Paulo, “Kay Tash, hindi lang siguro tamang panahon. Parang wrong timing lang siguro.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paulo sa launching ng bago niyang endorsement, ang RDL Beauty Products, ngayong Martes ng tanghali, sa Annabel's Restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City.

Kasama rin niyang inilunsad bilang bagong endorsers ng nasabing product line sina Albert Martinez at Miss International 2016 Kylie Verzosa.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN