Kris Aquino defends Lolit Solis from alleged Kris fan

IMAGE Instagram (@akosilolitsolis)

Kris Aquino assures that the netizen who ridiculed Lolit Solis on Instagram is not someone close to her. Kris and Lolit were both present at the church wedding of actor-politician Alfred Vargas and wife Yasmine Espiritu.


Ibinahagi ng veteran talent manager at entertainment columnist na si Lolit Solis, via Instagram, ang pang-aalipusta diumano sa kanya ng isang fan ni Kris Aquino.

Nagkasama sina Kris at Lolit, bilang principal sponsors, sa ginanap na kasal ni Quezon City Councilor Alfred Vargas at ni Yasmine Espiritu noong Linggo, July 23.

Kasama rin sa wedding entourage sina Vice President Leni Robredo, former Senator Mar Roxas, former House Speaker Sonny Belmonte, GMA Network Inc. Senior Vice President for Entertainment Lilybeth Rasonable, Seiko Films producer Robbie Tan, at Batangas Representative Vilma Santos-Recto.


Stories We Are Tracking

Alfred and Yasmine Varags tie the knot in church wedding
Alfred and Yasmine Varags tie the knot in church wedding

Sa isang Instagram post ni Lolit, isang netizen na may user name na @thegoodfindforyou ang nagpatutsada sa pagkakasali ng talent manager sa hanay ng mga ninong at ninang sa kasal nina Alfred at Yasmine.

Sabi pa ng netizen, hindi raw nababagay si Lolit sa mga ganung klaseng okasyon.


Napansin ito ni Lolit at nag-post ng mensahe sa Instagram tungkol dito.

Bahagi ng kanyang post, “At naloka ako sa isang fan ni Kris Aquino ha. Talagang inalipusta pagka-tao ko.

"Di raw ako bagay sa isang disenteng okasyon at mga disenteng tao. Bongga alipusta to the bones.”

Dagdag pa ni Lolit, "Grabe naman sineryoso iyon kagagahan ko at patunay ha na dami pa rin solid fans ni Tetay.

"Kaya nga ba takot ako magsama kami baka kuyugin ako mga solid Tetay. hah hah.

"Pero type ko offer niya ha, give niya ako everyday ng allowance bongga! Rich talaga Tetay kahit wah TV show."

Para naman sa mga hindi nakakaalam, si Lolit ang longtime manager ni Alfred.

Hah hah ano ba iyan gabi na na-i post iyon mga naganap sa kasalan Alfred at Yasmine pero ang daming reaction. At naloka ako sa isang fan ni Kris Aquino ha. Talagang inalipusta pagka-tao ko. Hah hah. Di raw ako bagay sa isang disenteng okasyon at mga disenteng tao. Bongga alipusta to the bones. Grabe naman sineryoso iyon kagagahan ko at patunay ha na dami pa rin solid fans ni Tetay. Kaya nga ba takot ako magsama kami baka kuyugin ako mga solid Tetay. hah hah. Pero type ko offer niya ha, give niya ako everyday ng allowance bongga! Rich talaga Tetay kahit wah TV show. Bagay talaga sila ni Jomar Ang kaya lang baka nga wah siya type ni Papa Ramon Ang kasi 24 lang Jomar, 40 plus na Kris. Pero uso naman ngayon iyon noh, mas gurang babae sa men ‘di bah. So malay natin baka talagang meant for each other sila bongga. Hayan mama Joy Belmonte ha sabi ni Kris ‘di siya tatakbo sa 2019. Baka ayaw niya Mayor gusto niya Presidente. Why not, sige Tetay pag run ka ng presidente suportahan kita at more allowance promise love… lab lab lab. ? #70naako #lolitkulit #instatalk @krisaquino @ligoras

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

KRIS RESPONDS. Nakarating naman kay Kris ang pang-aalipusta ng netizen kay Lolit, at sinagot niya ito sa pamamagitan din ng Instagram.

Paniniyak ng TV host-actress, hindi malapit sa kanya ang nanlait sa batikang talent manager.

At kung totoo man daw na fan niya ito, nakiusap siya ritong tumigil na sa pagiging negatibo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mensahe ni Kris para kay Lolit: “@akosilolitsolis you know that i have been a good sport- you've said many hurtful things against me BUT i always reminded myself that when there was nobody there when i was pregnant w/ kuya josh, you were... so i hope if that person truly is my fan PLEASE STOP the negativity.”


LOLIT WAS HURT. Ngunit hindi pa rito natapos ang isyu.

Muling nag-post ng mensahe si Lolit dahil hindi raw siya maka-move on sa ginawang panlalait sa kanya ng netizen.

Pahayag niya, “Alam ko naman kung saan lalagay at hindi porke nakakasama ako sa matataas at mayayamang tao inilalagay ko na sa isip ko na kapantay ko sila, hindi po.”

Patawarin n’yo ako ha pero hindi ako maka-move on doon sa comment ng fan ni Kris Aquino. Sure ako edukada at mayaman iyong nag-comment na ‘yun dahil maganda at flawless ang English. Tutoo nasaktan ako pero alam n’yo ba pumasok sa utak ko iyon mga inaapi at nilo-look down dahil sa status nila sa buhay, sabi niya wala akong karapatan makihalo sa mga disenteng tao sa kasalang Vargas, at my filthy mouth. Alam ko naman kung saan lalagay at hindi porke nakakasama ako sa matataas at mayayamang tao inilalagay ko na sa isip ko na kapantay ko sila, hindi po. Siguro they accept me for what I am, but I know I will never belong, alam ko po na sa mahirap na lugar ng Sampaloc ako lumaki at nag aral sa Moises Salvador Elementary School at V. Mapa High School, mahirap mga magulang ko at lumaking mahirap pero siguro nakakatikim na ng masarap ngayon sa may mga nasa itaas ng lipunan na mahal ako gaya ng mga Vera Perez, Monteverde, Villar at iba pa na naging mabait sa akin pero hindi po ako lumagpas sa linya. Alam naman siguro ni Kris Aquino tanggapin biro ko sa kanya dahil there was a time na dalawang beses ko siya ni represent huwag, nang sabihin manager kundi agent at hanggang ngayon ‘di ko malilimutan na Lolit kung tawagin ako ni Presidente Cory Aquino. At ngayon nga sabi niya puwede ko handle ko TV career niya. Don’t worry , hindi ako pikon ok lang sa akin iyong masakit na salita na sinabi n’yo at sana hindi ito ginagawa sa mga taong ang tingin n’yo mababa at hindi n’yo kapantay. God Bless mas marami akong dapat ipagpasalamat kesa masaktan sa sinabi n’yo. Thank you. #70naako #lolitkulit #instatalk @krisaquino

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Muli ring sumagot Kris at nagpakita ng suporta sa dating co-host sa defunct showbiz talk show ng GMA Network an Startalk.

Aniya, “@akosilolitsolis i have been the victim of the worst bashing BUT the truth is God has blessed us w/ good lives & we are survivors...”

Sa palagay raw ni Kris ay may mga taong ayaw silang maging magkaibigan ni Lolit.

Binanggit pa ng TV host-actress na ginawan man siya ng hindi maganda ni Lolit noon ay hindi siya gumanti. 

“I have always been respectful of you & never once retaliated when you were in the mood to be mean to me.”

Pagtatanggol pa niya kay Lolit, “So sa mga gusto gumawa ng gulo this girl is too smart to not figure out what you are up to... and she is also championing POSITIVITY & HARMONY.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN