Kim Last claims That's My Bae co-members were jealous of him

IMAGE Noel Orsal

Inamin ni Kim Last na nagkaroon ng pagkakataong kinainggitan siya ng ibang mga kasamahan niya sa all-male dance group na That's My Bae.


Inamin ni Kim Last na nagkaroon ng pagkakataong kinainggitan siya ng ibang mga kasamahan niya sa all-male dance group na That’s My Bae.

Ang mga miyembro ng That’s My Bae ay binubuo ng finalists ng “That’s My Bae: Twerk It” dance contest sa Eat Bulaga! noong 2015.

Maliban kay Kim, ang iba pang members nito ay sina Joel Palencia, Miggy Tolentino, Tommy Peñaflor, Jon Timmons, at ang nanalong si Kenneth Medrano.

Ayon kay Kim, nagsimulang mainggit sa kanya ang mga kamiyembro niya nang makasama siya sa cast ng weekly variety-comedy program na Sunday PinaSaya.

Sabi ng Filipino-British dancer-actor, “Nung una po, si Kenneth lang po ang hindi naiinggit sa akin, kasi meron siyang Calle Siete noon.”

Paano niya nalamang kinaiinggitan siya nina Joel, Miggy, Tommy, at Jon?

“Feeling lang po na merong something na, nung pumasok po ako sa Sunday PinaSaya, medyo lumayo sila… nang konti.

"Hindi naman as in, ‘Hi, good morning, guys!’ Tapos deadma.

"Like, pinapansin ako, pero…"

Naramdaman daw ni Kim na naging cold sa kanya ang apat.

Bakit kaya ganun ang naging pakiramdam ng mga kasamahan niya sa That’s My Bae?

Ayon kay Kim, “Siyempre po, parang grupo, tapos inisip siguro na, ‘Bakit siya lang ang pumasok dito?’

“Para sa akin po, wala po talaga, as in opportunity lang po.

“Sa akin, I didn’t see it as, ‘Oh, mas magaling ako sa inyo!’”

Pero naayos na raw kung anumang isyu nila noon.

Aniya, “Nung pumasok po yung Trops, nawala yung inggit ng lahat.”

Ang Trops ay morning drama series ng That’s My Bae, kasama si Taki, sa GMA Network.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim sa set ng Sunday PinaSaya, sa Studio 7 ng GMA Network Center, nitong Linggo, July 23.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN