Sherilyn Reyes reminds young stars about giving respect to senior stars

IMAGE Instagram photo of Sherilyn Reyes-Tan

Sherilyn Reyes (in photo, with son Ryle) relates her observation about some young stars: "Di nakakatuwa na ikaw ay titingnan lang at dadaan daanan. Pero diba di naman dapat itinuturo yan? Dapat lang na magbigay galang at bumati sa mga katrabaho."


“Magbigay ng respeto.”

Ito raw ang paulit-ulit na itinuturo ng celebrity mom na si Sherilyn Reyes-Tan sa anak niyang si Ryle Paolo Tan, miyembro ng all-male dance group na Hashtags.

Sa kanyang Instagram post kamakailan, binigyang diin ng aktres ang pagbibigay-respeto ng mga baguhang artista sa mga mas nakatatandang artista.

Aniya, “Hindi ko alam kung kailangan bang ituro sa mga baguhang aktor ang pagbibigay respeto sa mga nauna sa kanila sa industriya.

“Numero unong bilin ko kay Ryle ang lumapit at magpakilala, kahit paulit ulit.”

Dagdag pa ni Sherilyn, “Sa daming baguhan ngayon na di marunong magbigay galang, hindi dahilan ang hiya dahil mabibigyan yun ng maling kahulugan.

“Di nakakatuwa na ikaw ay titingnan lang at dadaan daanan.

“Pero diba di naman dapat itinuturo yan? Dapat lang na magbigay galang at bumati sa mga katrabaho.”

A post shared by MamaShey (@sherilynrtan) on

Ginawang magandang halimbawa ni Sherilyn ang Kapuso young stars na sina Ken Chan at Ayra Mariano, co-stars niya sa istoryang tampok sa Magpakailanman nitong Sabado, July 22.

Lahad ng aktres, “Unang pagkikita namin, magalang na lumapit ang bawat isa at nagpakilala. Dun ay nakuha na nila ang aking paghanga at respeto.”

Diin pa ni Sherilyn, “Malayo ang mararating ng dalawang to dahil din sa tamang pag uugali. Kung fans nila kayo, tama kayo ng iniidolo.”

Samantala, sa comment section ay makikita ang pagsang-ayon ng TV host na si Suzi Abrera sa sinabi ni Sherilyn tungkol sa pagbibigay-respeto at pagiging mahiyain.

Aniya, “Truts mars!!!!! Minsan sinusubukan kong intindihin kasi Baka nahihiya.

“Pero bakit nag-artista Kung mahiyain ganun??? Kaya good job sa pagpalaki mo sa mga bagets mo na pinapaalalahanan mo sila lagi ng tamang pakikitungo!?”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN