Kim Last offended by indecent proposals: "Parang, 'Cheap ba ako?'"

IMAGE Noel Orsal

Kim Last on indecent proposals that he has received: "Siyempre parang, 'O, gagawin natin ito, tapos babayaran kita...'  fifty thousand daw."


Katulad ng maraming baguhang artistang lalaki, nakaranas na rin daw ang That's My Bae member na si Kim Last na makatanggap ng indecent proposals mula sa gay admirers.

Ano ang inalok sa kanya?

“Siyempre parang, ‘O, gagawin natin ito, tapos babayaran kita,’” sabi ng Filipino-British dancer-actor sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ganoon kadiretso ang naturang bading kay Kim?

“Diretsung-diretso talaga!” bulalas niya.

Ano raw ang gagawin nila?

“Siyempre parang… ano, yung mga gusto niya.”

Hindi raw niya kilala ang naturang gay admirer, na sa pamamagitan ng Instagram siya pinadalhan ng indecent proposal.

Diin ni Kim, “Siyempre hindi ko pinatulan yung offer niya.”

May presyo bang sinabi sa kanya?

“Meron po… fifty thousand daw.”

Bukod doon ay marami pa raw natatanggap na indecent proposals si Kim.

“Madami po, sobrang dami!”

May isa pa nga raw na ang alok sa kanya ay “three hundred dollars.”

Paano niya tinatanggihan ang mga ito?

“Wala lang, sinasabi ko po sa kanila na hindi ako ganung lalaki, na I am not like that.”

Nao-offend daw si Kim kapag may nag-aalok sa kanya ng ganoon.

“Medyo nao-offend. Kasi po, parang, 'Cheap ba ako?' Parang ganun,” sagot ni Kim.

Sa kasalukuyan ay tatlo ang programang nilalabasan ni Kim Last sa GMA Network: Eat Bulaga, Trops, at Sunday PinaSaya.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN