Comedian Joey Paras gives update about his heart condition

IMAGE Noel Orsal

Joey Paras on choosing his projects because of his health: "Okay naman ako sa teleserye, pero hindi ko na lahat... Hindi na katulad before nung bagets pa ako na lahat, gagawin ko 'yan! So, parang pinipili ko na ngayon yung mga work. Pag hindi ko kaya, hindi ko pinu-push."


Noong 2016 ay napag-alaman ng comedian-actor na si Joey Paras na may sakit siya sa puso.

Kumusta na ang kalusugan niya ngayon?

“Ay, ang ganda!” bulalas ng Sunday PinaSaya mainstay.

“Ten months na akong hindi nagyoyosi! Yes!

“Okay na, better. Kasi October ako na-angioplasty, e. October 28.”

Ngayon ba ay totally wala nang bara ang puso niya?

“Meron daw konti. Dalawa actually, e.

“Yung bara pala, pinu-push niya lang. Nilalagyan ng stent.”

Ano ang maaari pang gawin para matanggal ang natitirang bara sa puso niya?

“May kayang… puwedeng gamutan yung iba, e, thirty percent pa lang siya, so gamot, super-gamot.

“Nangengenge lang ako kasi ang daming gamot.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang comedian na si Joey Paras sa pocket presscon ng month-long celebration ng Sunday PinaSaya sa Studio 7 ng GMA Annex building noong Linggo, July 23.

SLOWING DOWN. Nang tanungin kung ano sa tingin niya ang dahilan ng kanyang sakit, sagot ni Joey, “I guess lahi, tsaka wrong lifestyle.

"So, sinisisi ko nun ang trabaho ko, kung bakit ako nagkasakit."

Masasabing second life na ito ni Joey.

Ano sa tingin niya ang dapat gawin para mas mapangalagaan ang kanyang kalusugan?

“Huwag magpakaadik sa work. Piliin lang.

“Like Sunday PinaSaya, priority ko siya.”

Isa sa mga original cast members  si Joey ng naturang Sunday variety-comedy show ng GMA Network, “Kaya mahal ko ito.”

Dagdag ng 40-year-old actor, “Okay naman ako sa teleserye, pero hindi ko na lahat...

"Hindi na katulad before nung bagets pa ako na lahat, gagawin ko ‘yan!

“So, parang pinipili ko na ngayon yung mga work. Pag hindi ko kaya, hindi ko pinu-push.”


Stories We Are Tracking

Joey Paras opens up about his heart condition
Joey Paras opens up about his heart condition


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN