Joey Paras admits crush on Benjamin Alves; wants to be like Marian Rivera

Joey Paras on Marian Rivera: "Pag nambabati, hindi siya minsan nagki-kiss, nanghahampas siya. Ganun yung pagkarinyo niya pag close ka sa kanya. Namamalo siya ng puwet, na gusto ko!"


Hindi nagdalawang-isip si Joey Paras nang tanungin kung sino ang ang crush niya sa local showbiz.

“Oh, my God! Crush ko si Benjamin Alves.

"Dati pa. Hinanap ko pa nga ang pangalan ni Benjamin."

“Kasi mukhang lalaking-lalaki. Ang cute!”

Pero hindi na raw niya crush ngayon si Benjamin mula nang maging girlfriend ng Kapuso hunk si Julie Anne Jose, na kasama ni Joey sa Sunday PinaSaya.

Alam naman daw ni Julie Anne na naging crush niya si Benjamin.

Sa katunayan, nagbibiruan pa sila ng dalaga.

Kuwento ni Joey, “Nagdyu-joke-an pa kami. Tilian, ganyan, ‘Ano ba 'yan, sa iyo na nga!’

“Friends kami nila Julie kaya masaya kami pag pinag-uusapan namin.”

Nakilala na raw niya si Benjamin nang minsang dinalaw ng binata sa set si Julie.

“Hindi ako nakapagsalita!” natatawang sabi pa niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Joey sa set visit ng Sunday PinaSaya noong Linggo, July 23,

ON MARIAN RIVERA. Sino naman ang pipiliin ni Joey kung siya ay maging isang female celebrity?

“Parang masarap maging Angel Locsin! Kasi nagagalingan ako kay Angel.

“Tsaka masarap ding maging Yanyan, maging Marian [Rivera].

“Kasi napakatotoong tao ni Yanyan.

“Feeling ko, kung girl ako, ganun ako kay Marian.

"Hindi lang siguro ganung kaganda! Pero yung ugali."

Ani Joey, “cool” daw at totoong tao si Marian Rivera, na kasamahan niya sa Sunday PinaSaya.

“Pag nambabati, hindi siya minsan nagki-kiss, nanghahampas siya.

“Ganun yung pagkarinyo niya pag close ka sa kanya.

“Namamalo siya ng puwet, na gusto ko!

“Tsaka ang sweet kaya ni Yanyan. Binibigyan niya ako ng flowers.”

Ikinuwento pa ni Joey ang minsang ginawang sorpresa sa kanya ni Marian.

“Naloka ako, one time, akala niya premiere night ng Last Supper No. 3.

“Hindi niya alam na matagal na yung movie ko, pinalabas ulit sa Cinemalaya.

“Sinurprise niya ako, e, wala ako dun kasi matagal nang movie yun. Wala ako sa CCP.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi niya, ‘Joey, natanggap mo ba yung flowers?’ ‘Hindi.’

“Sabi niya, ‘Ay! Papadala ko na lang sa GMA.’”

“Ganoon ka-sweet si Yanyan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN