Rob Moya not privy to dad Jovit Moya's love life

IMAGE GMA Artist Center Instagram

Rob Moya on Jovit Moya as a father: "Unang-una, my dad is the best—no matter what he is or how he is in life. I will never forget kung paano niya ako binigyan ng pagmamahal, kung paano niya ako inaalagaan, araw-araw, since the day I was born."


Wala raw alam si Rob Moya tungkol sa estado ng love life ng kanyang amang si Jovit Moya.

“Ay, hindi ko po alam. Hindi po ako sigurado,” tugon ni Rob nang matanong kung may karelasyon ngayon ang ama.

Si Jovit ay dating matinee idol at naging miyembro ng sikat na teen-oriented show na That's Entertainment.

Bukas naman sa publiko ang pagiging gay ni Jovit, at tanggap din ito ni Rob.

Choice ba ni Rob na huwag alamin ang tungkol sa personal life ng ama niya?

Tugon ng Kapuso actor, “Never niya talagang in-open sa akin.”

Minsan daw ay curious siyang alamin ang tungkol sa personal na buhay ng ama niya, “Pero wala,  we really never talked about it.”

Ni isa raw sa naging karelasyon ng kanyang ama ay walang nakilala si Rob.

Paano kung may ipakilala ang ama niya sa kanya?

“Wala namang problema sa akin kasi para kaming mag-bestfriend, e. Okay lang,” sagot niya.


Stories We Are Tracking

Rob Moya says having a gay dad was never an issue for him
Rob Moya says having a gay dad was never an issue for him

Hindi raw sila magkasama sa iisang bahay.

“Sa Pasig ho ako, siya po sa Makati.

“Kaso lagi siyang busy sa mga meetings niya sa business, so lagi siyang out-of-town. Meron po siyang school.”

Dating pulis si Jovit, 46, ngunit nagretiro na raw ito at ngayo’y isa nang negosyante.

Paano maging anak ni Jovit?

Sabi ni Rob, “Unang-una, my dad is the best—no matter what he is or how he is in life.

“I will never forget kung paano niya ako binigyan ng pagmamahal, kung paano niya ako inaalagaan, araw-araw, since the day I was born.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rob sa pocket presscon nila ng kanyang co-stars sa Alyas Robin Hood 2 na sina Lindsay de Vera at Dave Bornea, na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center nitong Lunes, July 24.

ALYAS ROBIN HOOD 2. Nasa original cast ng Alyas Robin Hood si Rob, pero mas mahaba na raw ang papel niya sa Book 2 ng teleseryeng ito na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dito po sa 2, main cast po. Blessing lang po na naging part ako ng second half ng show,” sabi niya.

Isang pulis ang papel ni Rob sa Alyas Robin Hood.

Pero hindi raw ang amang si Jovit Moya, isang dating pulis, ang peg niya sa kanyang papel.

“Hindi. Kakaibang pulis. Masyado siyang seryosong pulis,” sabi ni Rob tungkol sa kanyang ama.

Mabait daw na medyo comedy ang role niya sa kanilang teleserye.

Advantage na pulis ang tatay niya at pulis din ang role ni Rob.

“Mas madali po sa akin. Kasi yung mga movements and everything, how to react.”

Mula sa pagiging modelo ay nag-audition si Rob kaya siya nakapasok sa GMA-7 last year.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN